Andi Eigenmann, ipinagtanggol si Bret Jackson sa isyu ng gamitan

Andi Eigenmann, ipinagtanggol si Bret Jackson sa isyu ng gamitan

Andi-Eigenmann-Bret-JacksonMAGKASAMA SA pelikulang Your Place Or Mine ng Viva Films ang dating nali-link sa isa’t isa na sina Andi Eigenmann at Bret Jackson. Ayon kay Andi, hindi siya nailang na makatrabaho ang dating boyfriend.

“Magkakilala na talaga kami dati pa, eh. So, hindi mahirap para sa amin na maging sobrang transparent sa isa’t isa kapag magkaeksena. And that’s what I really like about Bret, na even if kilala na niya ako even before the shoot and it’s his first movie, he’s very professional talaga. He really did what he had to because he really wanted to work,” kuwento ni Andi.

Hindi naman inamin ng aktres kung kailan sila naging mag-on at kailan sila nag-break.

“That’s a personal thing na po. Basta friends kami ngayon,” sambit pa ng aktres.

Ipinagtanggol din ni Andi si Bret sa isyu na ginamit siya nito para mapag-usapan.

“I don’t really think that there’s any truth to the fact that he tried to use me para lang magkaroon siya ng anything. And also, I don’t think that I will allow someone to use me… I mean, I’ve already got through so much, I don’ think I have time for that. And Bret is a very, very good person,” pahayag pa ni Andi.

Kasama rin sa Your Place Or Mine si Andre Paras. Palabas na ito sa April 29 under the direction of Joel Lamangan.

La Boka
by Leo Bukas