Andi Eigenmann, inamin ang relasyon kay Jake Ejercito

ADVERTISING

Andi Eigenmann, inamin ang relasyon kay Jake Ejercito

Andi Eigenmann, inamin ang relasyon kay Jake Ejercito

SA PRESSCON ng A Secret Affair, hiningan namin ng reaksyon si Andi Eigenmann sa naging pahayag ng inang si Jaclyn Jose na kasama rin niya sa pelikulang ito na nirerespeto niya ang desisyon ng anak kung papupuntahin nito si Albie Casiño sa birthday ng apong si Eli sa darating na Nov. 25.

Ayon sa aktres, karapatan din naman ni Albie na pumunta bilang isang ama, pero may mga mahal din naman siya sa buhay na nasaktan na niya dati sa nangyari na ayaw na niyang masaktan muli ang mga ito dahil sa kanya.

Excited ngayon pa lang para sa nalalapit na isang taong kaarawan ng anak na gaganapin sa Blue Leaf sa McKinley Hill sa The Fort, 250 bisita ang imbitado ni Andi kung saan ang magiging theme ng party ay Alice in Wonderland. Para kay Andi, murang edad mang napasok sa pagiging ina ay patutunayan niya sa lahat na kaya niyang maging isang ma-buting ina.

ADVERTISING

 

HININGAN DIN namin ng reaksyon sa paghingi ng tawad ni Albie sa haters niya, ayaw magbigay ng pahayag dito ni Andi dahil humingi ng sorry ang aktor sa haters nito at hindi naman direktang sa kanya. Matapang ang naging pahayag ni Andi na walang nawala sa kanya nu’ng nawala sa buhay niya si Albie kundi nagkaroon nga siya ng isang Eli sa ngayon.

Ibinuko ng ina sa mismong presscon na may bagong inspirasyon ang anak at ito ay si Jake Ejercito na noon pa man ay nali-link na kay Andi. Inamin naman ng aktres na bukod sa anak ay si Jake ang nagsisilbing inspirasyon at nagpapasaya sa kanya. Nang tanungin namin ang estado ng relasyon nila ni Jake, ayon kay Andi ay magkaibigan pa rin sila hanggang sa ngayon at nandu’n sila para suportahan ang isa’t isa kahit pa nga nasa London ito sa ngayon.

Isang daring, sexy, matured at palaban na Andi ang mapapanood sa pelikula, nagbigay-komento rin ang aktres sa kumpirmasyon na second choice lang siya para sa nasabing role kung saan una raw itong inalok kay KC Concepcion, pero tinanggihan nga ng aktres.

Inamin naman ng aktres na dati pa man ay alam na niya ang tungkol dito at hindi naman porke’t second choice siya ay hindi na siya importante sa nasabing pelikula. Para kay Andi, ibinibigay lang niya ang lahat ng maibibigay niya sa bawat karakter na hinihingi sa kanya sa bawat proyektong kanyang ginagawa.

Andi Eigenmann, inamin ang relasyon kay Jake Ejercito

NAGULAT KAMI nu’ng nakaraang Linggo na nakita naming lumakad sa apoy si Gov. Chavit Singson kasama ang dalawa nitong anak sa parking lot ng MetroWalk. Tinatawag na Charity Firewalk na pinagungunahan ni John Calun bukod sa paraan ito para mapaglabanan ang anumang takot na mayroon ka at matuto kang lumaban sa hirap ng buhay at magtagumpay, ang ginawang ito ng mag-aama ay para magbigay ng donasyon sa grupong Genuis Creation Mastermind Alliance kung saan nag-donate sila ng P50,000.

Ayon kay Gov. Chavit, kung tatakbo siya sa sa susunod na eleksyon, ‘di niya ito gagawin dahil baka maparatangan siyang gumagawa ng gimik.

Tinanong namin sa espekulasyon ng iba na kaya takot daw na manligaw ang ibang mga lalaki kay Lovi Poe, ex-girlfriend ng anak na si Ronald ay dahil natatakot daw ang mga ito rito. Ipinagtanggol naman ni Gov. Chavit na sinisiraan lang ng iba ang anak at ‘di ganu’ng klaseng tao ito. Nang tanungin namin kung nakakapag-usap pa ba sila ni Lovi kung saan balita noon na maganda ang relas-yon nito dati sa pamilya nila, ‘di na gaya dati ang sinagot sa amin ni Gov. Chavit.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING