Andi Eigenmann, inaayawan ng Pamilya Ejercito?!

ADVERTISING

Andi Eigenmann, inaayawan ng Pamilya Ejercito?!

Andi Eigenmann, inaayawan ng Pamilya Ejercito?!

ADVERTISING

PAMILYA EJERCITO hindi raw pabor kay Andi Eigenmann. Ayon sa ating source, noon pa man daw ay hindi raw boto ang mga magulang ni Jake Ejercito sa pakikipagrelasyon nito kay Andi. Dahil feeling ng angkan, hindi na “buo” ang pagkatao ng aktres matapos na ito ay maanakan ng aktor na si Albie Casiño.

Kung paniniwalaan ang tsika, pinapayagan lang daw ng Pamilya Ejercito si Jake na makasama si Andi bilang girlfriend at hindi bilang magiging asawa in the near future.

“Unfair naman ‘yun kay Andi, dahil hindi naman ginusto nu’ng tao na maging dalagang ina siya. And besides, kung talagang mahal ni Jake si Andi, dapat hindi siya magpapadala sa mga sinasabi ng kanyang pamilya. Parang ang linis-linis naman nila,” sabi ng aming source.

ADVERTISING

Sa kabilang banda, hindi rin naman apektado si Andi sa isyung hindi boto sa kanya ang pamilya ni Jake. Dahil una at higit sa lahat, ayaw daw i-entertainin ng aktres ang mga ganitong intriga dahil feeling niya ay hindi siya maggo-grow as a person sa mga ganitong tsismis.

 

MAY NAGSABI sa amin na mas lalong nahihirapan daw ngayon si Angelica Panganiban. Dahil ang unang balak nito ay pasakitan ang dating boyfriend na si Derek Ramsay, kung kaya’t nag-flirt ito kay John Lloyd Cruz. Ang kaso deadma ang aktor sa drama ng aktres, kung kaya’t natuluyan ang pakikipagrelasyon nito sa dating boyfriend ni Shaina Magdayao.

Sa ngayon, panay ang sabi ni Angelica na in love siya, na mas masaya siya ngayon kay Lloydie, kum-para noong mga panahong sila pa ni Derek Ramsay at sa katunayan ay nakagawa pa ng kumanta ang aktres para sa aktor. Hindi man ang aktres ang kumanta ng “Barcelona” kundi ang bestfriend niyang si Glaiza de Castro.

Samantala, kahit nasa Japan si Angelica habang sinusulat ang kolum na ito, aming nalaman na binati ito ni Derek Ramsay ng ‘happy birthday’. Katuwiran ng aktor, hindi man daw nag-last ang kanilang relationship as boyfriend and girlfriend, hindi raw mawawala ang kanilang pagiging magkaibigan. Tumagal nga kasi nang mahigit na anim na taon ang kanilang pagsasama, kung kaya’t hindi ito matatapon nang ganu’n na lang.

Andi Eigenmann, inaayawan ng Pamilya Ejercito?!

MAY DAHILAN kung bakit muntik nang mag-quit sa showbiz ang baguhang aktor na si Norris John. Sobra kasi siyang na-exploit sa una niyang indie film.

“Gustung-gusto ko po talagang mag-artista at akala ko ay tama ang aking ginawa,” linya ni Norris na nagsabi pa sa Pinoy Parazzi na nag-produce na lang daw sila ng kanyang ina ng indie film upang maiwasan ang mapait niyang karanasan.
Bihira kaming magsulat ng baguhan dito sa aming kolum at pumuri ng isang tao. Pero sa totoo lang, kung acting lang din naman ang pag-uusapan, hindi hamak na may karapatan talaga si Norris.

“Pangarap ko po talagang maging artista, kaya rito sa ginagawa naming indie film na Gabriel, ibang-iba po ako rito kumpara sa mga nauna ko nang nagawa.”
Sa mga indie film na Dulas, Ifugao at Binatilyo napanood na si Norris, at dito sa Gabriel, tiyak na haha-ngaan natin siya. Promise.

 

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING