Andi Eigenmann, handang palakihin ang anak nang nag-iisa!

Andi Eigenmann, handang palakihin ang anak nang nag-iisa!

Andi Eigenmann, handang palakihin ang anak nang nag-iisa! AT PEACE NA raw ngayon ang young star na si Andi Eigenmann pagkatapos dumaan sa sunud-sunod na kontrobersiya dahil sa kanyang maagang pagbubuntis na hinihinalang courtesy ng young actor na ex-boyfriend nito na si Albie Casiño.

Tsika nga ng isang malapit kay Andi, tanggap na tanggap na raw ni Andi na isisilang niya ang kanyang anak nang walang amang nasa tabi at tanging ang kanyang mga magulang, kapatid, kaibigan, ang Star Magic, Icon, at mga taong nagmamahal at nakakaintindi sa nangyari sa kanya ang kanyang magiging karamay.

Sa ngayon nga raw, nakakangiti na si Andi at hindi na kailangang itago pa sa mga tao ang kanyang pagbubuntis, dahil bukas na libro naman daw ang nangyari sa kanya. At kahit nga raw hindi akuin ng ama ng sanggol sa sinapupunan ni Andi, okey lang sa dalaga dahil ready raw itong itaguyod nang nag-iisa ang bata, na hindi humihingi ng tulong sa taong nakabuntis sa kanya.

Ayaw na rin nga raw patulan ng young star ang issue tungkol sa kailangang ipa-DNA ang kanyang anak pagkasilang nito na galing sa kampo ng itinuturong ama ng anak ni Andi. Ayon daw sa young star, alam naman daw ng ama ng kanyang isisilang na anak na siya ang ama nito.

 

TINATAWANAN NA LANG ng star ng Time of My Life na si Mark Herras ang mga taong pilit binibigyang-kulay ang unti-unting pagbagsak ng kanyang katawan. Kung saan sinasabi ng mga detractors nito na baka raw nagda-drugs ang binata na mariin naman nitong pinabulaanan.

Ayon kay Mark nang makausap namin kamakailan, malabo raw mangyari ang sinasabi nilang nagda-drugs siya, dahil ni minsan ay hindi pumasok sa isipan nito na mag-droga. Nagkataon lang daw na nagkasunud-sunod ang taping nito ng Time of My Life, kaya almost everyday ay puyat ito at walang tulog na naging dahilan ng mabilis niyang pagpayat.

Idagdag pa raw rito ang Party Pilipinas, kung saan ilang beses silang nagre-rehearse ng hataw na sayaw para mapaganda ang kanilang production number. Alam naman daw ng marami na everytime na masasagad siya sa trabaho ay mabilis siyang pumapayat.

Sa ngayon daw, tigil na rin daw ito sa pagdo-Dota na minsan na ring kinahiligan ni Mark na isang factor kung bakit siya pumayat noon dahil laging puyat sa paglalaro kasama ng kanyang mga showbiz friends, pero ngayon daw ay trabaho at pagdyi-gym na lang ang inaatupag ni Mark at wala nang iba. ‘Yun na.

John’s Point
by John Fontanilla