Andi Eigenmann, gimik lang ang pakikipag-date kay Bret Jackson

Andi Eigenmann, gimik lang ang pakikipag-date kay Bret Jackson

Andi-EigenmannGIMIK LANG pala ang pagde-date nina Andi Eigenmann and Bret Jackson. Andi who was then hurting from the kissing photos of Jake Ejercito decided to make public her dates with Bret. Kung saan-saang gimikan sila nakita. There was one time na magka-date pa sila sa Cosmo Bachelor’s Bash. Ang perfect alibi nila, Andi was rooting for her cousin Geoff Eigenmann while Bret was there to support his best friend James Reid.

Ang lahat pala ng mga dates niya ay pakitang-tao lang, pagpapaselos ni Andi kay Jake. Ang nakakaloka pa, si Andi pala ang gumagastos lahat sa kanilang mga date. Siyempre, siya ang mas mapera, ‘no!

Naloka nga ang isang relative ni Andi nang malaman niyang ang aktres ang gumagastos sa date nila ni Bret. Siyempre, naimbiyerna ang kamag-anak na ito ni Andi. Ke-babae nga naman niya pero siya pa itong gumagastos sa lalaki, ang cheap, ‘di ba?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas