Andi Eigenmann, dapat nang maghinay-hinay kay Jake Ejercito

ADVERTISING

Andi Eigenmann, dapat nang maghinay-hinay kay Jake Ejercito

Andi Eigenmann, dapat nang maghinay-hinay kay Jake EjercitoALAM NATIN na hot item ang anak ni Mayor Joseh Estrada na si Jake Ejercito. Kahit ano sigurong gawin ni Jake, sigurado naisusulat.

Tumpak lang ang strategy ni Mayor Estrada na isalang sa tourism promotion ng Manila ang anak sa  pamamagitan ng pag-join nito sa Manila Walking Tour ng kilalang tour guide na si Carlos Celdran na kinuha ng City of Manila to promote “Manila”.

Si Jake, kasama ang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann ay sumali sa naturang walking tour noong nakaraang Lunes.

Ayon kay Jake,hindi sila nagkabalikan ni Andi. They remained as friends na wala namang masama kung sakaling makita sila na muling ini-enjoy with each other’s company.

ADVERTISING

Sa personal blog ng binata, sinulat niya nai-post ng binata ang litratong kuha nila during the tour.

Saan patutungo muli ang kabaliwang ito? Basta si Andie, this time dapat hinay-hinay na at baka sa bandang huli, siya rin ang magloka-lokahan at talo sa bandang huli.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING