Andi Eigenmann, dapat daw mag-sorry kay Albie Casiño

ADVERTISING

 alt=

Andi Eigenmann & Albie Casiño
Andi Eigenmann & Albie Casiño

Usap-usapan pa rin sa social media ang rebelasyon ni Max Eigenmann, half-sister ni Andi Eigenmann, sa interview sa kanya sa podcast show na “Good Times With Mo Twister”.

Sa nasabing show, ibinunyag ni Max kung sino talaga ang tunay na ama ng anak ni Andi na si Ellie. At ito ay walang iba kundi si Jake Ejercito, ang on and off boyfriend ni Andi. Napatunayan umano ito nang sumailalim sa paternitry test ang binata nina Laarni Enriquez at Joseph Estrada.

Kaya naman ang mga nagmamasid sa social media, kaagad na binansagang sinungaling si Andi. Dapat din umanong humingi ng sorry si Andi, maging si Jake, sa kanila umanong pagsisinungaling at sa pagsira sa papausbong na career noon ni Albie.

Matatandaang sumambulat noon sa showbiz ang maagang pagbubuntis ni Andi na ang itinuturong ama ay si Albie na siyang boyfriend niya nang panahong iyon. Pero nang panahon ding iyon, magulo rin naman ang lovelife ni Andi dahil nauugnay rin siya kay Jake at madalas silang nakikitang magkasama noon sa kung saan-saan.

ADVERTISING

Nang magtungo sa ibang bansa si Jake para mag-aral, balik din umano si Andi kay Albie. Hanggang sa pumutok na ang balitang nagdadalang-tao ang young actress. Agad namang itinanggi ni Albie na siya ang ama ng ipinagbubutis ni Andi.

Papasikat na nang mga panahong iyon si Albie na gustung-gusto noon ng publiko bilang katambal ni Kathryn Bernardo sa soap operang “Mara Clara”. Pero dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya, masyadong naapektuhan ang career ng binata. Nasangkot din si Albie sa isang insidente ng pambububog, kung saan pinagtulungan umano siyang gulpihin ng mga sinasabing kaibigan ni Andi. Hanggang sa tuluyang naglaho si Albie sa ABS-CBN, at lumitaw sa TV5 makalipas ang ilang taon.

Nang bumalik si Albie sa ABS-CBN sa pamamagitan ng teleseryeng “On The Wings Of Love” nina James Reid at Nadine Lustre, pinanindigan pa rin niya ang naunang pagtanggi sa anak ni Andi, bagama’t sa mga interbyu sa kanya, ayaw na lang niyang magbigay ng anupamang komento na maaaring makaapekto sa bata.

Sa mga sandaling ito, wala pang ibinibigay na reaksiyon si Andi hinggil sa rebelasyon ni Max. Habang sa Instagram account ni Albie na “thestallion09”, nag-post ito ng picture mesagge na “Thank you” na tila patungkol sa rebelasyon ni Max.

Bilang reaksiyon din, nag-post sa kanyang Instagram account na “rlc726” ang ina ni Albie na si Mrs. Rina Lee Casiño ng tatlong Bible verses patungkol sa paghahanap ng katotohanan at pagkakaroon ng mabuting pangalan.

“John 8:32

And you will know the truth, and the truth will set you free.

“Proverbs 22:1

A good name is more desirable than great wealth. Respect is better than silver or gold.

“Luke 8:17

For nothing is hidden that will not be made manifest, nor is anything secret that will not be known and come to light.”

Ani Mrs. Casiño sa kanyang caption, “All these years we surrendered & completely placed our full trust & confidence to Jesus our Lord & Savior for we know in due time in His perfect time everything will be revealed. Thank you all those who prayed for us with us. #thankyouJesus #godisfaithful #godisgood all the time #albiecasiño”.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING