Andi Eigenmann, bagong pinopormahan ni Jericho Rosales!

ADVERTISING

Andi Eigenmann, bagong pinopormahan ni Jericho Rosales!

Andi Eigenmann, bagong pinopormahan ni Jericho Rosales!KAHIT NAGSUSUNGIT ANG panahon dahil sa bagyong Juan, dagsa pa rin ang mga taong nagsipila para mag-audition at maging contestant para sa magsisimula nang umereng bagong programa ni Willie Revillame na Willing Willie sa TV5. At hindi lang mga taga-Metro Manila ang nagsipagpuntahan doon sa compound ng Kapatid Network sa Novaliches, Quezon City, kundi maging mga taga-karatig lalawigan gaya ng Laguna, Cavite, Bulacan, at Pampanga.

At bakit nga naman hindi dadagsain ng mga gustong magbakasali na suwertehin na makasali at manalo sa bagong game show na ito ni Willie? Ang laki kasi ng papremyo — house and lot, kotse, at one million pesos.

Habang hinihintay ang mismong araw ng launch ng Willing Willie, walang tigil ang mga tao sa likod ng Wil Production sa kare-rehearse bilang paghahanda na nga sa pag-ere nito. Si Willie, personal pa nga raw ininspeksiyon ang bagong gawang set sa loob ng studio na talaga naman daw mas bongga, high-tech, at mas malaki kumpara sa kanilang ginagamit noon sa Wowowee.

And WW.Girls naman na all-female dance group na kasama rin ni Willie sa dati niyang noontime show sa ABS-CBN, walang kapaguran din sa pag-eensayo at paghahanda sa nalalapit na muling pag-indak nila gabi-gabi sa Willing Willie.  May paninibago raw sa kanilang pakiramdam pero lahat umano sila’y excited sa kanilang bagong set dahil mas maganda raw mag-perform kapag gano’ng malaki ang stage.

ADVERTISING

Tuloy na tuloy na nga talaga ang launch ng Willing-Willie ngayong Sabado, October 23. Pero ang tanong ng marami — magtuluy-tuloy na nga kaya ang airing nito?

Hindi pa rin kasi tapos ang legal battle sa pagitan ni Willie at ng ABS-CBN.

‘Yon na!

MUKHANG HINDI TALAGA magsasalita ang komedyante at TV host na si Shalala hinggil sa napabalitang insidente ng panununtok diumano sa kanya ni Federico Moreno na anak pa mandin ng mentor at kaibigan niyang si German Moreno.  We tried texting him also asking if he could give us a reaction regarding this issue pero wala siyang reponse.

Sinasabing nangyari raw ang nabanggit na insidente sa mismong birthday party raw ni Kuya Germs, kung saan nagkita diumano ang TV host-comedian at Shaina Magdayao. Sinita raw ng young actress si Shalala kung bakit daw lagi niya itong ibina-blind item.

Kasunod nito ay ang pagsusumbong din umano ni Shaina kay Federico na asawa ng kanyang Ate na si Shiela na manugang nga ni Kuya Germs. Hindi umano nakapagpigil itong si Federico at nasuntok si Shalala.

Wala raw nagawa ang TV host-comedian kundi ang umiyak na lang. Siguro’y hindi niya inakalang magiging gano’n kabayolente ang reaksiyon ni Federico hinggil sa naging sumbong ni Shaina. Dahil nga close sila ni Kuya Germs, malapit din si Shalala sa anak nito na si Federico. Para na silang magkakapamilya, kumbaga.

According to people close to Shalala, pinili na lang daw ng TV-host comedian na huwag nang magsalita pa hinggil sa gano’ng pangyayari. Ito’y bilang respeto raw sa ama ni Federico na si Kuya Germs na kanya umanong pinagkakautangan ng loob.

Pero sa nangyari, hindi maiwasang maging negatibo ang reaksiyon ng iba kay Shaina. Nakumpronta na raw ng young actress itong si Shalala, bakit daw kailangan pang magsumbong ng dalaga sa bayaw nito at hayaang may mangyari pang gulo?

Well… baka naman hindi intensiyon ni Shaina na ipasapak kay Federico si Shalala. Hindi rin siguro inakala ng young actress na gano’n ang mangyayari.

Ganyan?

ANG BILIS NAMAN yatang naka-move on ni Jericho Rosales sa break-up nila ni Cesca Litton. Kahihiwalay lang nila pero heto at napapabalitang may bago na raw siyang pinupormahan.

Although Jericho has yet to confirm or deny it, pero maingay talaga ang usap-usapan na si Andi Eigenmann daw ang pinupuntiryang ligawan ngayon ng aktor. Walang detalye kung paano nagsisimulang magpalipad-hangin kay Andi itong si Echo. Basta ang dalagita raw ang napupusuan niyang suyuin sa ngayon.

Hindi naman kaya kumontra ang mommy ni Andi na si Jaclyn Jose? Lalo at sa pagkakaalam namin ay hindi pa nagkaka-boyfriend ang young actress.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING