Andi Eigenmann at Philmar Alipayo engaged na

ENGAGED NA ang aktres na si Andi Eigenmann sa Siargao-based professional surfer na si Philmar Alipayo.

Ito ang magandang balitang inihayag ng magkasintahan noong December 20 sa pamamagitan ng kani-kanilang social media accounts.

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo engaged na
Philmar Alipayo and Andi Eigenmann

Pagshare ng aktres sa kanyang Instagram account, “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been OK regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be,”

Patuloy pa niya,  “I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal.”

Hindi rin nagpahuli si Philmar at ibinalita nito sa kanyang IG followers ang magandang development sa buhay nila ng minamahal.

“She said YES! I love you so much. So happy to spend the rest of my life with you,” 

“Promise to take care of you, Ellie, Lilo and our coming baby number 3 and to make you laugh more and more everyday.”
Si Ellie ang 9 year old daughter ni Andi sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito. Si Lilo naman ang anak nina Andi at Philmar na ipinanganak noong nakaraang taon. Kasalukuyang buntis ngayon ang aktres at inaasahang manganganak early next year.

Ang magandang engagement news na ito ay na-document din sa pamamagitan ng Happy Islanders Vlog ng soon-to-be married couple. Naganap ang proposal sa isang resort sa Batangas.

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo engaged na
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa shinare na underwater engagement photo nina Andi at Philmar. Ayon sa mga fans ng dalawa, tila naalala nila ang Agua Bendita, ang breakthrough fantaserye project ni Andi sa ABS-CBN kung saan gumanap siya bilang kambal na sina Agua at Bendita Cristi. Sa pamamagitan ng proyektong ito ay nakilala bilang leading lady sa primetime ang aktres.

Muli, congratulations to Andi and Philmar! Stay happy and stay in love!