Anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, 2 pa lang, mahusay nang magbasa

ADVERTISING

Anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, 2 pa lang, mahusay nang magbasa

Ogie-Alacsid-Regine-Velasquez-Baby-NateVERY PROUD father sa kanyang 2 ½ baby boy na si Nate ang bagong host sa season 2 ng top-rating show ng TV5 na Let’s Ask Pilipinas simula July 7 ng 11:15 am, Monday to Friday, na si Ogie Alcasid. Sa murang edad daw nito, marunong nang magbasa ang anak.

Bida nga ni Ogie sa mga kapatid sa panulat na bumisita sa taping ng kanyang newest show, nagulat nga raw sila ng kanyang may bahay na si Regine Velasquez nang malaman nilang marunong nang magbasa si Nate.

Dagdag pa ni Ogie, plano na nga raw nilang sundan si Baby Nate, pero hindi raw sila makabuo-buo. Pinipilit naman daw nila para magkaroon ng kapatid si Nate. Kahit nga raw busy sila ni Regine sa dami ng kanilang trabaho, gumagawa pa rin daw sila ng paraan ni Regine para masundan si Nate.

Kuwento pa ni Ogie, malaking pressure sa kanya ang paghalili bilang host ng nasabing game show, lalo na’t masyadong nag-click sa mga manonood si Aga. Pero gagawin daw niya ang lahat lahat para ‘di man mahigitan ay mapantayan niya ang energy ni Aga sa pagho-host ng inaabangang interactive game show sa bansa.

ADVERTISING

 

Limang Grand Finalist ng Celebrity Dance Battle, hahataw sa dance floor sa June 29

 

GRABENG PAGHAHANDA na ang ginagawa ng limang Grand Finalist sa kauna-unahang Celebrity Dance Battle sa TV5 na sina Iwa Moto, Rafa Siguion-Reyna, Priscilla Meirelles, Gary David, at Ciara Sotto. Almost everyday raw ay nagre-rehearse ang lima para na rin maiuwi ang P1 million at tanghaling Grand Champion.

Tsika nga ni Priscilla, “Masaya ako na kasali ako sa grand finals. Mahirap mag-rehearse pero malaki ang naitulong nito sa akin for my confidence and my figure.”

Ayon naman kay Iwa, “Tinatanong na nga ako ni Pampi kung bakit araw-araw akong wala. Halos hindi na kami nagkikita dahil sa kinakarir ang pagre-rehearse.”

Habang proud naman si Gary sa pagiging finalist ng Celebrity Dance Battle dahil “Lagi akong may nakakasalubong ngayon na binabati ako na mahusay raw ako. Akala ko, natutuwa dahil sa mahusay kong paglalaro sa game. ‘Yun pala, nahuhusayan sa a­king sumayaw.”

“Sobrang galing sumayaw ni Ciara , iba ‘yung galaw at linya niya ‘pag sumayaw, kaya alam naming lahat na mapapalaban kami nang husto kay Ciara,” ayon naman kay Rafa.

Pahayag naman ni Ciara, “Nakape-pressure, kasi first time ko na mag-perform na may ka-partner sa isang dance showdown. Nasanay kasi ako na mag-isa (pole dance), kaya nga panay ang ensayo ko para maganda ang kalabasan ng number namin.”

Mapanonood ang Celebrity Dance Battle Grand Showdown  sa June 28, 9pm sa TV 5. Hosted by Lucy Torres-Gomez kasama ang Semerad Twins na sina Anthony at David,  kung saan magsisilbing hurado sina G Toengi, Edna Ledesma, Douglas Nieras at Allison Harvard.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING