‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday’ nina Barbie Forteza at Kate Valdez magtatapos na

MAGTATAPOS with high ratings ang GMA family drama na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday‘ na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez with their onscreen mothers na sina Dina Bonnevie at Snooky Serna.

Kung avid viewer kayo ng palabas na ito, siguradong isa kayo sa mga nabitin nang ihinto ang pagpapalabas ng programa dahil naabutan ito ng Covid-19 pandemic at mahigit isang taon hindi nakabalik sa set ang mga cast and crew ng primetime series ng Kapuso Network.

'Anak ni Waray vs Anak ni Biday' nina Barbie Forteza at Kate Valdez magtatapos na
Barbie Forteza and Kate Valdez

Naging bongga naman ang comeback nito dahil na-sustain ng programa ang kanilang mataas na ratings. Maliban dito, tila naging close ang mga cast members sa likod ng kamera.

Ani Kate Valdez, “Napaka-ikli ng time namin na mas makilala pa at makabonding ang isa’t isa. But this is memorable for me.”

“Parang pamilya na kami sa ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ kaya parang ang hirap mag-let go!”

'Anak ni Waray vs Anak ni Biday' nina Barbie Forteza at Kate Valdez magtatapos na
Dina Bonnevie and Snooky Serna

“It was a big challenge for all of us even for our director Mark dela Cruz to get back on track.” pag-amin ni Barbie Forteza sa challenges na kinaharap ng staff and crew sa pagbabalik-taping para tapusin ang lock-in taping ng programa.

“Nakakalungkot na matatapos na siya kasi ganun kalaki at karami ang pinagsamahan namin sa show. Not just with the cast, but also with the staff na parang naging pamilya na rin kami.”

 

Exciting na ang mga kaganapan sa programa dahil nalaman na ang katotohanan tungkol sa tunay na mag-ina. Kung noong una ay marami ang tumataas ang kilay sa storyline nito na baby switching sa ospital, ngayon ay napatunayan na maaari ito mangyari sa totoong buhay base sa recent report ng Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan dalawang pamilya ang naging biktima ng nakakalungkot na pangyayaring ito.

Siguradong bongga ang final episode ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ngayong March 12!