Anak ni Rosanna Roces, buntis na naman sa ikatlong boyfriend?!

ADVERTISING

Anak ni Rosanna Roces, buntis na naman sa ikatlong boyfriend?!

Anak ni Rosanna Roces, buntis na naman sa ikatlong boyfriend?!NAALIW NAMAN AKO na magsisimula pa lang itong bagong singing competition ng GMA-7 na Protégé, pinag-uusapan na ang banggaan nina Claire dela Fuente at Imelda Papin na parehong mentors dito.

Hindi lang kasi mga contestants ang maglalaban dito kundi pati na rin ang mga mentors.

‘Pag tanggal ang contestant, tanggal na rin ang mentor nito. Kaya ngayon pa lang sobrang kinakarir na nina Claire at Imelda para hindi sila matanggal. Kailangang itodo nila ang pagti-train sa kanilang contestant para tumagal ito at baka sila pa ang magwagi, ‘di ba?

Sa September 4 na ito magsisimula, pero ang alam ko, may napili na silang tatlong contestants at pagkatapos nito, ang mga judges na ang magdi-decide kung sino ang contestant na nararapat sa kanila.

ADVERTISING

Kaya parang kaabang-abang itong banggaan nina Claire at Imelda. Masaya ito, ha!

Ang napapansin ko lang, bumabalik na naman ang mga sikat nu’ng 70s.

Sa pagbabalik ni Nora Aunor, nabuhay na naman ang sa kanila ni Christopher de Leon, pati kay Vilma Santos at si Tirso Cruz III.

Ngayon naman sina Claire at Imelda na matindi rin ang labanan nu’ng kapanahunan nila.

 

NAPANOOD KO PALA ang interview ni Rosanna Roces sa Paparazzi nu’ng Linggo at ano pa bang bago sa drama ng babaeng iyan eh, ‘di ganu’n pa rin.

Nagulat lang ako na sinabi niyang ikakasal na raw ang anak niyang si Grace sa pangatlo na niya yatang boyfriend ‘yun.

Pagkatapos niya kasi kay Jolo Revilla, may nakarelasyon itong isa na nabuntis din noon.

Ngayon iba na naman pala at ang dinig ko lang ha, buntis na naman daw ito?

Hindi yata nasabi ni Rosanna sa interview na buntis ito pero ‘yun ang dinig ko lang.

Naku! Mabuti na lang at na kay Jolo na ang anak nila ni Grace, kaya maayos na ito at ang dinig ko nga matalino raw ang bagets at mabait pa ito.

In fairness naman kay Jolo, kahit puno ang schedule nito, talagang pinaglaanan niya ng panahon na makasama ang anak niya at hindi niya ito pinababayaan, ha?

Alam ko, okay naman sila ni Grace at may komunikasyon sila kapag tungkol sa anak lang nila ang concern.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING