Anak ni Piolo Pascual na si Iñigo, gagawa ng indie film!

ADVERTISING

Anak ni Piolo Pascual na si Iñigo, gagawa ng indie film!Anak ni Piolo Pascual na si Iñigo, gagawa ng indie film!GAGAWA PALA ng indie film ang nag-iisang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo habang nagbabakasyon ito rito sa Pilipinas.

‘Yan ang balitang nasagap namin mula sa kaibigan ni Papa P at co-manager nina Sam Milby at Richard Poon na si Erickson Raymundo.

Baka makasama raw ni Iñigo ang baguhang artista na si Julian Estrada na anak nina Sen. Jinggoy at Precy Ejercito Estrada at apo ni Manila City mayor-elect Joseph Ejercito Estrada.

Isang bagets din na baguhang artista ang magiging leading lady ni Iñigo. Dahil sa baguhan din ay hindi namin maalala ang pangalan, hahaha!

 

ADVERTISING

SPEAKING OF Julian Estrada, marami talaga ang nagtatanong kung nililigawan nito si Julia Barretto o sila na nga ba.

Nu’ng Linggo raw sa ABS-CBN ay matiyagang naghihintay raw talaga ang binata sa dalagang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla sa labas ng dressing room.

Pero paano na kaya ang non-showbiz girl na napakaganda rin na anak ng kapatid ni Sen. Bong Revilla na si Bacoor Councilor-elect Rowena Bautista-Mendiola na ang alam namin ay may paghanga rin si Julian?

Anak ni Piolo Pascual na si Iñigo, gagawa ng indie film!How true naman na hindi na kabilang si Julian bilang isa sa dalawang leading men ni Julia sa kanyang teleseryeng Cofradia?

Nagpa-audition na raw ng mga baguhang bagets na lalaki para sa dalawang makakatambal ng young actress.

Ang pagkakaalam namin ay limang guwapong binatilyo ang nag-audition at umarte kasama si julia sa harap ng  TV executive na si Deo Endrinal, kabilang ang Justine Bieber look-a-like na sumali sa ‘Kaloh-like’ contest ng It’s Showtime, at ang anak ng aktres na si Sherilyn Reyes.

 

NITONG LINGGO lang ay nag-umpisa na pala ang pictorial ng Star Magic talents para sa kanilang annual Star Magic catalogue na ginawa sa studios ng ABS-CBN. Although pailan-ilan pa lang ang kinukunan.

Ilan sa mga nai-pictorial na raw last Sunday ay sina Kim Chiu at Maja Salvador sa magkahiwalay na studio at magkaibang oras.

May nakapagsabi raw kay Maja na nasa kabilang studio ang dati nitong best friend at ex-girlfriend ng kanyang jowa ngayon na si gerald anderson.

Kinumusta naman daw ng aktres si kim sa kausap nito at sinabi pa raw na matagal na kaming hindi nagkakausap.

 

NAG-UMPISA NA nga last Monday morning ang ikalawang show ng bagong Kapuso star na si Christian Bautista na With A Smile kung saan kasama nito sina Mikael Daez at Andrea Torres, at sa direksyon ni Louie Ignacio.

Nag-umpisa na rin nu’ng Linggo lang ang Sunday All Stars na ipinalit sa Party Pilipinas ng GMA-7 na kinabibilangan din ng Asia’s romantic balladeer.

Unang acting project ni Christian ang nasabing serye na tila pangtapat ng siyete sa morning teleserye ng Dos na Be Careful With My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Mas mauuna lang umere sa umaga ang programa nina Christian, Andrea at Mikael kaysa kina Jodi at Rhard.

May kaba para kina christian pero naniniwala sila na siguradong kagigiliwan ng mga manonood ang kuwento ng serye, Lunes hanggang Biyernes, at kapupulutan pa ng mga aral.

Franz 2 U

by Francis Simeon

ADVERTISING