Anak ni Piolo Pascual, galit kay KC Concepcion?!

OLA CHIKKA! LUNES na Lunes ay mukhang pinag-iinit ni actress at actor itong araw ko dahil sa napaka-walang relevance na chikka ay lumaki na nang tuluyan itong isyu at kung sinu-sino pa ang nadamay. Ayoko na sanang mag-comment ngunit dahil sa simpleng statement lamang ng batang si Zaijian Jaranilla na nakita raw niya umanong dinalaw ni KC Concepcion si Piolo Pascual sa set ng Noah.

Eh, ano naman ang masama kung totoo ang sinasabi ng bata? Dalaga si KC at wala namang asawa itong si Piolo kaya bakit pa kailangan i-deny kung totoo naman. Hindi ‘yung lumalabas na sinungaling ang bata at ang mga kasamahan natin sa industriya ay lumalabas na masama dahil sa pamimilit daw nilang interbyuhin at marinig ang nais lamang nilang kasagutan mula kay KC kaya umabot pa sa ekesenang banned na ang mga press sa taping ng The Buzz at Simply KC.

Ano ba naman ‘yan KC? Maraming kilalang sikat at respetadong artista sa industriya ngayon, ngunit ikaw pa lang ang baguhang nag-request ng ganyan.

Totoo man o hindi ang chikkang ito at kahit walang sense ay lumaki na lang bigla, kawawa ang mga batang nadadamay dahil sila mismo ang naapektuhan at nadadamay. Lumalabas na tuloy na sinungaling itong si Zaijian matapos niyang bawiin ang sinabi niyang nakita niya mismo si KC, kundi ay narinig lamang niya sa mga staff na nandu’n daw ang dalaga. At isa pang batang nadamay na rin sa isyu ay itong anak ni Piolo na si Iñigo dahil nabasa ko sa isang tabloid na nag-post daw sa Twitter ang anak niya na ‘wag panoorin ang Simply KC dahil bad influence daw itong si KC.

I don’t believe na magagawa ‘yun ni Iñigo kaya marahil ay hindi sa kanya ang account na ‘yun. Pero this situation is going worse kaya it has to stop dahil kung sinu-sino na ang lumalabas na masama dahil lamang sa isang simpleng eksenang pagdalaw ni KC kay Piolo, eh ano naman? Friends kayo, ‘di ba?! Pak!!

AT ANO ITONG naririnig kong chikka na ayaw na ayaw raw nitong si Judy Ann Santos na maging mukhang kabayo ang kanyang anak?!

Ang chikka kasi ay hindi raw talaga tinitingnan ni Juday si Vice Ganda noong nagsi-shoot sila para sa pelikulang Hating Kapatid. Ano ba naman ‘yun?! Ha-ha!

Pero hindi malabong magkaroon ng kabayotic looks itong anak mo dahil ang asawa mong si Ryan ay may anggulong katulad namin, medyo may hubog! ‘Yun nga lang, napakaguwapong version lamang!

Ha-ha! Joke lang at baka mag-hysterical ang mga fans nitong si Juday. Peace!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong super pretty actress na napapabalitang minamaltrato raw ng kanyang asawa. Dati nang umaalingasaw ang chikkang ito at muntik pang mauwi sa hiwalayan ngunit naayos ng mag-asawa dahil

napakabait daw ng pamilya ng kanyang husband.

Ngunit ngayon ay mukhang umuusok na naman dahil madalas daw nakikitang balisa at mainit ang ulo ng aktres at kung minsan ay may mga pasa pa. Naku, huh! Hindi maganda ‘yan. Ang babae, dapat minamahal hindi sinasaktan kaya siguro napakagaling umarte nito dahil may pinaghuhugutan ng emosyon.

I don’t like the chikka, huh! Sino itong battered wife umanong actress? Hay, naku! Kapag naghiwalay kaya sila ng husband niyang mula sa pamilya ng kilalang mga pulitiko ay mapanatag kaya siya? Tsk, tsk, tsk… ‘Yun na!

At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleHiwalay na nga kay Vic Sotto? Pia Guanio, ‘di na sumipot sa Eat… Bulaga!
Next articleFrancine Prieto, may pera nang pang-shopping?

No posts to display