Anak ni Joy Viado na si JC, ikinuwento ang mga huling sandali ng ina

ADVERTISING

Anak ni Joy Viado na si JC, ikinuwento ang mga huling sandali ng ina

JC Viado and  Joy Viado
JC Viado and Joy Viado

Dalawa pala ang anak ng komedyanteng singer na si Joy Viado.

Nasa Cubao kami nang makarating sa amin ang balita na inatake sa puso si Joy sa noong Sabado ng gabi (September 10).

Nang makausap namin ang bunsong anak ni Joy na si JC (Joseph Christopher) noong Sunday evening, naikuwento niya sa amin ang pangyayari.

Galing daw ang mommy niya sa isang kaibigan. Pagdating sa bahay ng mga 7:45 p.m., nagreklamo ito ng paninikip ng dibdib.

ADVERTISING

Ipinagpahinga nila ang ina. “Baka napagod lang sa biyahe,” sabi ni JC sa amin.

Pero hindi lang ito pangkaraniwang sakit sa dibdib. “Gusto na namin siyang dalhin sa ospital, pero ayaw niya. After a few minutes, nagrereklamo pa rin siya sa nararamdaman niya, kaya dinala na namin siya sa Quezon City General Hospital (malapit sa Muñoz Market). Pero pagdating doon, DOA (dead on arrival) na siya, sabi ng doktor,” kuwento pa ni JC.

Ayon pa kay JC, noong Sunday ay naglambing pa siya kay Joy na magluto ng sinigang na baka na tinupad naman ng ina bago ito yumao.

Ang labi ni Joy, nakalagay ngayon sa Arlington Memorial Chapel-Araneta at ike-cremate sa darating na Friday (September 16) ng mga 10:00 a.m pagkatapos ng 8:30 a.m. na misa.

Noong Sunday sa wake, nadatnan namin ang mga showbiz personalities tulad nina Noel Cabangon, Sylvia Sanchez, at mister na si Art Atayde (close si Joy sa mag-asawa), ang dancer na si Joshua Zamora at misis na si Jopay, at mga personal friends ng komedyanteng singer.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING