Anak ni Jericho Rosales na si Santino, ‘di trip ang showbiz

ADVERTISING

Anak ni Jericho Rosales na si Santino, ‘di trip ang showbiz

Anak ni Jericho Rosales na si Santino, ‘di trip ang showbizGuwapo at matangkad sa height na 6 feet tall ang anak ni Jericho Rosales na si Santino who is only 15 years old. Nag-aaral ito sa San Agustin at anak ni Echo sa modelong si Kai Palomares.

ADVERTISING

Dahil namana ni Santino o Saint ang kaguwapuhan ng ama, kaya tinanong namin si Echo kung may balak din bang mag-artista ang anak at sundan ang yapak niya bilang actor.

Ayon kay Echo, “Ayaw niya talaga! He’s not built for that. Ang gusto niya talaga ay sports. He plays with two teams now and he never showed interest na maging actor.

“But commercials, okey lang sa kanya… ‘okey ako d’yan.’ Pero ano’ng klaseng commercials ang gusto niya, sabi niya, ’yung sa Nike, Adidas, Gatorade, or sports drinks, ‘yung mga ganyan. Anything na sports-related, ‘yun ang trip niya talaga,” patuloy ni Echo.

ADVERTISING

Pero papayagan ba niya if ever na gusto ng anak na mag-showbiz din?

“Kung ako talaga ang tatanungin… parang ayaw ko rin. Mahirap, eh. But I’m here to guide him if ever he decides, I will be just here to support,” sambit pa niya.

Jerico is celebrating his 20th year in showbusiness at naikuwento niyang meron na siyang mga naka-line-up na projects sa ABS-CBN. Gusto rin niyang gumawa ulit ng MMFF movie after ng successful team-up nila ni Jennylyn Mercado sa “Walang Forever”, kung saan nanalo siyang best actor.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING