Anak ni Jennylyn Mercado, gagawa ng commercial by Lolit Solis

ADVERTISING

Anak ni Jennylyn Mercado, gagawa ng commercial by Lolit SolisISANG TAON NA pala ang anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na nag-celebrate ng first birthday niya nu’ng nakaraang Linggo.

Ang kuwento sa akin, may pa-party raw sila sa Fun Ranch sa Pasig pero talagang mga pamilya at malalapit na kaibigan lang daw ang nandu’n. Walang taga-showbiz na inimbita para hindi na magulo at hindi mag-leak sa media para kunan ito.

ADVERTISING

Bongga sina Jennylyn, nairaos nga nila ito nang walang nakalusot na paparazzi, ha! Mas gusto raw niya kasing tahimik lang at tingin ko riyan, para hindi na makarating kina Patrick Garcia.

Imagine, nakaisang taon nang hindi man lang nasilip ni Patrick ang anak niya?

Nu’ng Lunes naman, dinala ni Jennylyn ang anak niya sa GMA-7 at nagkagulo nga roon sa office ni Wilma Galvante dahil sobrang cute naman kasi ng baby.

ADVERTISING

Pakalat-kalat daw roon sa 7th floor ng GMA-7 kaya pinagkaguluhan ng mga nandu’n. Mabuti pa sila, na-enjoy na nila si Alex Jazz, si Patrick wa pa talaga.

Kapag tinatanong mo nga si Jennylyn kung meron bang ipinadalang birthday gift si Patrick sa anak nila, dedma talaga siya. Ayaw na raw niyang masira ang araw niya kapag si Patrick ang pinag-uusapan.

Ang dagdag pang kuwento sa akin, meron daw miting doon si Jennylyn tungkol sa anak niya dahil meron yatang inaayos na commercial para kay Alex Jazz. Kung matutuloy ito, roon na lang sa commercial makikita ni Patrick ang anak niya.

Isa sa mga ninong ng bagets na si Mark Herras ay nangakong ibibili raw niya ng birthday gift si Alex Jazz sa Amerika.

Pumuntang Los Angeles, California at Vancouver, Canada si Mark kasama si Katrina Halili para sa GMA Pinoy TV roon. Nangako si Mark na pagbalik niya ay dala na nito ang birthday gift niya sa inaanak.

NAKAKALOKA NAMAN ITONG si Rufa Mae Quinto na may drama pang kababayan daw niya at kababata niya itong bago niyang karelasyon ngayon, na nagbigay sa kanya ng lupa’t bahay sa San Francisco, California.

Parang ayoko naman yatang maniwala riyan! Matunog pa rin kung sino ang nag-give pero hindi naman natin masabi dahil siyempre dyokot ang mga bakla! Mahirap na, ‘di ba?

Napaka-influential naman kasi at kilalang tao kaya quiet na lang tayo at hayaan na lang natin si Rufa Mae sa deklarasyon niyang kababata niya ito. Puwede sigurong kababayan dahil ang alam ko, kapareho rin niyang Kapampangan, pero parang hindi naman yata kababata. Ewan ko lang, ha?!

Hintayin na lang natin kung dumating ang araw na maipakilala niya ito.

Hindi pa nito masagot nang maayos kung totoong worth 30 million pesos ng bahay. Pero nasa bonggang lugar eh, nakalimutan ko lang kung saan ‘yun, pero lugar ng mga mayayaman.

Naka-stay na nga raw roon si BB Gandanghari ng dalawang linggo at impressed na impressed daw ang bakla sa kabonggahan ng bahay nito. Naku! Makalkal ko nga ito kay BB!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING