Anak ni Christopher de Leon, ligtas na sa cancer

ADVERTISING

Anak ni Christopher de Leon, ligtas na sa cancer

Christopher-de-LeonNAUNAHAN LANG daw ng Startalk si Christopher de Leon last Saturday, but he intended to contact his son Juan Carlos Miguel through Skype to check if the latter was back doing his old routine tulad ng pagwo-work out.

ADVERTISING

Pangalawa sa limang anak nina Boyet at Sandy Andolong, last August 2014 nang isugod si Miguel sa ICU at a hospital in San Francisco. Dinapuan siya ng testicular cancer.

Nagkataon that his parents were here, kaya kinailangan munang magpaalam sa kani-kanilang trabaho ang mag-asawang Boyet at Sandy to immediately fly to SanFo para tingnan ang kalagayan ng anak. The couple arrived almost 12 midnight and went straight to the hospital.

Sa last Saturday episode ng Startalk, napanood mismo ng multi-awarded actor ang Skype interview kay Miguel whom he was supposed to contact that same day.

ADVERTISING

Ayon sa kuwento ng pamilyado na rin palang si Miguel, bumubuti na ang kanyang kundisyon ngayon, thank God, he was declared cancer-free nitong Valentine’s Day.

Nasa inset si Boyet habang umeere ang Skype interview sa kanyang anak, and we could simply feel how completely relieved the actor was knowing na nalampasan ng kanyang pamilya ang isang matinding dagok (na sinundan pa ng pagkakasakit ng asawang si Sandy na naka-confine sa ospital nang araw na ‘yon).

Miguel’s oncologist’s declaration na cancer-free siya nitong Araw ng Mga Puso? Who says that Valentine’s Day is only reserved for romantic couples?

Even those who are lovers of life ay pasok sa petsang ito.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING