Anak ni Andi Eigenmann, hinahanapan ng pagkakahawig kay Albie Casiño

ADVERTISING

Anak ni Andi Eigenmann, hinahanapan ng pagkakahawig kay Albie Casiño

Anak ni Andi Eigenmann, hinahanapan ng pagkakahawig kay Albie Casiño

CONSISTENT SI ALBIE Casiño sa kanyang pagiging matahimik sa patuloy pang isyu nila ng dati niyang karelasyon na si Andi Eigenmann. Ngayon kasing nakapanganak na ang magandang aktres at pinipigurahan ng mga tao ang hitsura ng baby girl na apo nina Jaclyn Jose at Mark Gil, marami ang naghahanap sa anggulo ng bata kung talaga raw may hawig din kay Albie. Kasunod na siyempre niyan ay naglalabasan na rin ang interbyu ng mga pinsan ni Andi na nagbibigay ng mga papuri tungkol sa sinasabi nilang bagong miyembro ng malaki nilang angkan.

Hindi na sumasabay si Albie sa mga bagong kaganapan. Kung magsasalita nga naman siya kapag hiningan ng kahit maigsing reaksiyon, baka pagmulan pa iyon ng mahabang intriga. Lalo pa’t hanggang ngayon, parang labag sa kalooban ng mga magulang ni Andi na mabanggit ang pangalan ng diumano’y ama ng kanilang apo. Hindi naman kasi mga showbiz na tao ang lahi ni Albie, kaya hindi sila komportable na humarap sa kamera para magpainterbyu.

Ngayong nakapanganak na si Andi, positibong sinasabi na muli siyang makakabalik sa pag-aartista. Kabaligtaran sa nangyayari ngayon sa career ni Albie na kahit nariyan lang talaga siya, parang mayroong humaharang na maipagpatuloy niya ang magandang simula ng kanyang movie career. Puro panghihinayang ang nasasambit ng mga taga-showbiz patungkol sa kanya, dahil kung hindi nga naman sila nagkaroon ng hidwaan ni Andi, mainit pa rin sana ang popularity ni Albie, hindi katulad ngayon na puro nagtatanong ang mga nakaka-miss sa kanya kung nasaan na siya ngayon?

ADVERTISING

 

MARAMI ANG NAGHIHINTAY sa sitwasyon ni Baron Geisler, kung pagkatapos na ma-ging positibo para sa kanya ang dating ng paghingi niya ng sorry sa mga artistang sina Julia Clarete, Cherry Pie Picache at Yasmien Kurdi ay magkakaayos na rin sila sa kanilang gusot ng anak nina Yayo Aguila at William Martinez. Napakahusay kasing actor ni Baron, kaya maganda ring mangyari na sa kanyang pagseser-yoso sa trabaho ay magkaayos na sila ng mga taong nagtuturing na nagawan niya ng atraso para ang susunod na tutok na lang ng mga papuri ay tungkol sa kahusayan niya bilang artista.

Nagparating kami ng mensahe kay William tungkol sa posibilidad na magkaayos na rin ang kanyang anak at si Baron.  Ang aking mensahe para kay William ay ipinarating ko sa pamamagitan ng friend niya at kasama namin sa panulat na si Rommel Placente. Mahaba ang mga paliwanag sa amin ni Rommel na mga sagot daw ng ex-husband ni Yayo. Na ang suma total, parang malabo pa sa mga panahong ito ang tungkol sa pag-aayos nila.

Napakasuwerte ni Baron, dahil pagkatapos niyang lumabas sa rehab ay sumalang na kaagad siya sa maraming trabaho na talagang naghihintay para sa kanyang ipinangakong pagbabalik. Kahit dumaan siya sa pagbibisyo ay hinahanap talaga ang galing niya sa pag-arte. Pero hindi pa siya nakakalaya sa panghuhusga ng marami, kung hanggang kailan niya mapaninindigan na hindi na siya magpapatalo sa tuksong muling malulong sa paglalasing. Pinakikiramdaman ng mga tao at pa-simple nilang inaamoy si Baron kapag nakakatabi para matiyak kung hindi siya amoy-alak.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING