Anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sanco Vito, nakontrata na sa talent center ng Siyete

Anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sanco Vito, nakontrata na sa talent center ng Siyete

Sancho-Vito26 YEARS old na, pero sa bata ng mukha ay parang 19 lamang ang panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho Vito.

Na ngayon ay contract artist na ng Talent Center ng GMA-7 at nakatakda nang mag-workshop bilang paghahanda sa pagsabak sa teleserye.

Ba’t ba ngayon lang niya ito naisip at hindi nu’ng teenager siya?

“Eh, ngayon ko lang po naramdaman, Tito Ogie, na gusto kong subukan ‘yung work ni Mama, eh. Para maramdaman ko din po ‘yung paghihirap niya bago siya naging successful.

“Anyway, all out support naman si Mama sa gusto ko. Saka ang dami rin pong kaibigan si Mama sa showbiz na susuporta sa akin.

“Saka lahat ng dapat kong gawin, like acting workshop, gusto ko pong ma-experience lahat ‘yan para hindi naman po nakakahiya sa mama ko.”

Hahahaha! Oo nga naman.

So tibayan mo na, Sancho, ang dibdib mo sa mga darating na intriga, ha?

“‘Yun lang pong pinagdadaannan ng mama ko, ‘pag nakikita ko siyang umiiyak, parang ako na rin po ang nasasaktan para sa kanya, eh. Kaya feeling ko po, kaya ko naman ang showbiz.”

Oh My G!
by Ogie Diaz