Anak ni Aga Muhlach na si Andres, sikat sa social media

ADVERTISING

Anak ni Aga Muhlach na si Andres, sikat sa social media

Aga Muhlach And Charlene Gonzales With Twins Atasha And Andres
Aga Muhlach And Charlene Gonzales With Twins Atasha And Andres

Agree raw sa netizens ang original hearthrob ng dekada ‘80 at isa sa judge ng inaabangang “Pinoy Boyband Superstar” na si Aga Muhlach na guwapo ang kanyang unico hijo na si Andres at puwede itong mag-artista.

Ayon nga kay Aga, “Yeah, ako na’ng magsasabi, talagang guwapo ang anak ko. Sobra, parang nababakla nga ako sa anak ko. Sabi ko, what happened to you? And he’s a really nice boy.”

Wala nga raw kaalam-alam ang kanyang anak na si Andres sa kumakalat sa social media patungkol sa kanya, dahil first time na magkaroon ito ng cellphone.

“They really don’t know what’s happening. Pero talaga ako, nu’ng sinabi na, parang Daniel Padilla, James Reid. Sabi ko, ‘Oh my gosh, ganu’n pala ang feeling. Kinikilig talaga ako!”

ADVERTISING

Pero hindi raw ito sure kung gustong mag-artista ni Andres.

“Parang hindi. Parang wala sa kanya. Hindi namin napag-uusapan. He doesn’t know that, eh. I just let them finish high school, and college, and then let them decide.

“But of course, hindi ko naman puwedeng sabihin na, ‘Magtapos ka ng kolehiyo para makapaghanap-buhay ka’. Kung may magandang hanap-buhay, and if they want it, okey lang. But not now!” pagtatapos ni Aga.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING