Anak ng dating That’s Entertainment member, pinasok na rin ang showbiz

ADVERTISING

Anak ng dating That's Entertainment member, pinasok na rin ang showbiz

Jhustine Miguel
Jhustine Miguel

Pinasok na rin ang showbiz at commercial World ng anak ng former member ng defunct GMA teen show na “That’s Entertainment” na si Jun Miguel na isa sa miyembro ng That’s Boys.
Very promising at loaded ng talents ang 13 years old na si Jhustine Miguel na anak ni Jun. Marunong sumayaw, kumanta, at umarte, at marami na ring TV commercials at print ads na ginawa.
Hilig din daw ni Jhustine ang showbiz kaya naman suportado ito ng kanyang Daddy Jun at Mommy Jane. Sa ngayon ay abala si Jhustine sa tour ng P-Pop Boy Groups kasama ang kanyang grupong Zero Ground at sa pagko-commercial at pagrampa sa fashion show.
Dream nga raw nitong makaarte at mapasama sa mga teleserye ng Kapuso o Kapamilya, kaya naman daw nag-a-undergo ito ng acting workshops bilang preperasyon kapag masuwerteng mabigyan siya ng acting projects.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING