Ana Jalandoni tuloy ang kasong RA 9262 laban kay Kit Thompson

Leo Bukas

NAUWI sa bugbugan ang love story nina Kit Thompson at Ana Jalandoni na nagsimula lamang sa Instagram post ng sexy star. Naganap ang pambubugbog ng hunk actor kay Ana sa isang hotel sa Tagaytay.

“Hindi ko inaasahan ‘yung ginawa sa akin ng minahal ko. Wala pong babae na gustong masaktan tulad ng dinanas ko,” umiiyak na reaksyon ni Ana nang humarap siya sa ilang entertainment media kamakailan.

Ana Jalandoni tuloy ang kasong RA 9262 laban kay Kit Thompson
Kit Thompson and Ana Jalandoni

Inalala rin ni Ana ang ilang detalye ng pambubugbog at pananakot sa kanya ng hunk actor noong gabi ng March 17.

“Hindi ko pa kaya ikuwento. Nasaktan po ako…hindi ko po kaya, pero sasabihin ko na lang po ‘yung nararamdaman ko.

“Masakit po yung pinagdaanan ko dahil hindi ko po yon nakita, hindi ko inaasahan yung ginawa sa akin ng minahal ko. Wala pong babae na gustong masaktan tulad ng dinanas ko,” pahayag pa ni Ana.

Patuloy niya, “Marami po akong pinagdaanan sa buhay, lahat po yon nalagpasan ko Pero yung nangyari sa kanya, hindi ko po alam kung kakayanin ko. Hirap po yung isip ko, hirap po ‘yung puso ko dahil nasaktan po ako ng lubusan.”

Ayon sa pagkakatanda ni Ana, bago naganap ang pananakit sa kanya ay napag-usapan pa nila ni Kit ang tungkol sa pagpapakasal.

“Gustung-gusto niya raw po akong pakasalan. Sabi niya, mahal na mahal niya ako, ganyan. Tapos ganu’n din naman po ako sa kanya.

“Tapos po, may pina-delete akong mga pictures namin sa social media, naging okay naman po ang usapan namin. Tapos ang sunod na tanong niya sa akin tungkol sa ex ko. Sabi niya, ‘Iniwan mo yung ex mo, di ba? Hiniwalayan mo siya.’ Sabi ko, ‘Oo, ang tagal na noon, 2018 pa yan. Alam mo kung ano ang nangyari, kung bakit,’” lahad niya.

Kasunod daw nito at pinagbantaan na siya ng boyfriend.

“Sabi niya, ‘Ako pag iniwan mo, patayin kita. Akin ka lang. Hindi ka puwedeng mapunta sa iba, akin ka lang.” Na sinagot daw niya ng, “Mahal kita, hindi kita iiwan.”

“Ang perception ko lang, akala niya iiwan ko siya dahil ginawa ko sa ex ko kaya niya siguro ako sinaktan. Wala po akong ibang karelasyon, wala pong third party. Mayroon po siyang isang pinagseselosan which is yung ex ko po,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, kahit galit si Ana ay Kit ay inamin pa rin nitong mahal niyaang aktor.

Sabi pa niya, “Mahal ko pa rin siya, hindi naman ganu’n kadali mawala.”

Magkaganun man ay tuloy pa rin daw ang pagsasampa niya ng kasong Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act laban sa dating karelasyon.

Previous articleReal-life couple McCoy de Leon and Elisse Joson magtatambal sa pelikulang ‘Habang Buhay’
Next articleJulia Barretto game na game na sa daring roles: ‘Tumatanda na rin ako so wala na akong excuse na umayaw’