Ana Capri, gustong i-paint nang hubo’t hubad sina Coco Martin at Piolo Pascual

ADVERTISING

Ana Capri, gustong i-paint nang hubo’t hubad sina Coco Martin at Piolo Pascual

Ana Capri
Ana Capri

 Masaya ang award-winning actress na si Ana Capri sa mga project na dumarating sa kanya. Naging part si Ana Capri ng TV series na “All of Me” ng ABS-CBN at ngayo’y kasali sa “Magkaibang Mundo” ng GMA.

Sa pelikula naman, ginawa niya ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako”, “Laut”, at ang ‘di pa naipalalabas na “Latay” ni Direk Carlos Morales. Sinabi ng aktres ang iba pa niyang projects.

“May sisimulan akong project na indie, tatlo iyon actually, pero hindi pa puwedeng sabihin. Tapos doon sa pelikulang “Barcelona” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kasali rin ako. Bale, stepmom ako ni Daniel dito at asawa ko si Joey Marquez,” saad ni Ana.

Bukod sa pagiging aktres, ngayon ay isa na ring painter si Ana. Naging bahagi siya ng exhibit last May 2016 sa Podium na tinawag na “Mga Tradisyong Pilipino”.

ADVERTISING

“Uma-attend ako ng workshop ni Alfred Galvez sa Artalyer. May isang taon na rin, pero hindi ako masyadong nakapupunta ngayon dahil busy, e. Pero since bata ako, mahilig na akong mag-drawing, kapag pinahawak mo ako ng papel at lapis, ‘yun ang past time ko.

“Acrylic ang medium ko ngayon e, pero mas familiar ako sa charcoal.”

May offer din daw sa kanya ang isang grupo ng artist para i-paint siya nang nude. Ngunit pinag-iisipan pa niya kung gagwin ito.

“Mayroong grupo na nag-offer sa akin na i-paint ako nang nude, pero hindi ko alam kung ready na ako sa ganoon,” nakangiting saad niya.

Sinong actor ang gusto mong i-paint nang nude?

“Kung papayag sila, sina Coco Martin at Piolo Pascual. Kasi mahilig ako sa may magandang mata. Maganda ‘yung mata niya (Coco Martin), iyon ang nagka-capture ng atensiyon ko sa isang subject, e. Plus, sexy din si Coco at magaling talaga siyang actor.

“Si Piolo naman, kasi iyong mukha niya, parang hindi mo na kailangang angguluhan, e. Very ano ito, na kahit saan mo ilagay, puwede. Iyong katawan din niya, kumbaga ay nandoon lahat ng components na kailangan mo.

“And iyong mata rin niya, parang nagsasalita. Kaya challenge iyon at kapag hindi mo ma-capture iyon, ewan ko na lang. Saka bukod sa sexy rin si kasi si Piolo, Papa P. iyon siyempre, e!” nakatawang pakli pa ni Ana.

Dagdag pa niya, “Hindi naman ako maiilang kung nakahubad sila, naka-attend na rin kasi ako sa ganyang session. Although babae ‘yung model na totally naked talaga at mga professional na talaga ang kasama ko roon. Iyong lalaking model kasi, parang nag-sit-in lang ako at matagal na matagal na iyon, e.”

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING