Ana Capri, game pa ring sumabak sa sexy roles?

ADVERTISING

Ana Capri, game pa ring sumabak sa sexy roles?

Isa si Ana Capri sa mga dating sexy star na nakatawid sa mga seryosong role at kinilala ang galing bilang aktres. Katunayan, ilang beses siyang nanalong Best Actress sa Cinemanila International Film Festival at sa Golden Screen Awards ng ENPRESS. 

ADVERTISING
Ana Capri, game pa ring sumabak sa sexy roles?
Ana Capri

Sa ngayon, bukod sa pagiging aktres ay sumabak na rin siya sa pagiging painter. 

Nang magkita kami kamakailan, inusisa namin si Ana kung game ba siya sa mga daring role lalo na sa mga indie projects, sakaling matino talaga at maganda ang papel na ibibigay sa kanya? 

“Kaya pa rin naman, basta bagay sa akin ‘yung role at hindi masasabing mukhang off. Iyong tipong mga side-side lang, pero hindi ‘yung frontal talaga. 

ADVERTISING

“Kasi kung noon nga ay hindi ko ginawa e, hindi ba? Kung hindi naman talaga kailangan sa pelikula, hindi ba?” Nakangiting sagot niya. 

Kung matinong pelikula, kaya mo pa ba na medyo may touch ng pa-sexy? 

“Depende siguro sa project, pero kung iyong tipong inilagay lang ako sa pelikula na ang purpose ay magpa-sexy lang at magpakita lang ng katawan, sa iba mo na lang ibigay ‘yung role. Pero kung may laban talaga at importante ‘yun para sa pelikula, kaya mo siya ginawa, puwede siguro akong magpaka-daring,” nakatawang esplika pa ni Ana. 

Dagdag pa niya, “Kasi sa Hollywood ay ordinary na lang iyang magpa-sexy, pati ‘yung double boobs exposures ginagawa na iyan ng marami, eh. Like si Anne Hathaway, pati si Reese Witherspoon at marami pa. Maski sa mga concert nila sa US, may mga daring na ginagawa ang mga artist, eh.” 

Nabanggit din ni Ana ang pinagkakaabalahan niya mula nang dumating mula sa pagbabakasyon sa Australia. 

“Sa ngayon after ng bakasyon ay busy ako sa photoshoot, modelling. Magkakaroon kasi kami ng art exhibit sa April. So, nakatutok din ako sa pagpe-paint. Siguro kailangan kong gumawa ng mga seven paintings pa.” 

Solo exhibit na ba ito?

Wika niya, “Hindi pa po solo exhibit ito. Pero puro sikat ‘yung mga kasama ko sa forthcoming exhibit na ito. Like Ronna Manansala, Sir Claude Tayag, Herminigildo Pineda, Norman Tiotuico, at ako. Bale five artist lang kami rito, second season ito ng My City My SM My Art sa SM City Clark at and grand launch will be on April 19, 2017.”

ADVERTISING