Ana Capri, ‘di pa rin masampahan ng kaso ang Intsik na nambastos sa kanya

Ana Capri, ‘di pa rin masampahan ng kaso ang Intsik na nambastos sa kanya

Ana Capri
Ana Capri

The last time na may update sa amin ang aktres ni si Ana Capri tungkol sa pambabastos na nangyari sa kanya sa The Palace Pool Club sa BGC was last Saturday (April 16) nang magkita kami sa birthday celebration ng kaibigang Jobert Sucaldito.

Until now, hindi pa rin maibigay ng naturang establishment ang pangalan ng VIP guest ng lugar para masampahan ng demanda ng aktres sa ginawang pambabastos sa kanya nang hawakan ng naturang Chinese VIP guest nila ang behind (or puwet) ng aktres at sinampal pa siya nito.

Saan mo mang tingnan na angulo ang isyung ito, may cover-up ang party venue sa naturang guest nila. Dahil sa pangyayari, hindi pala safe para sa isang babae na pumunta sa lugar, hindi ka protektado kahit nagkalat ang mga security staff nila sa vicinity.

Anong ganap ni Mayor Lani Cayetano na  siyang namumuno sa Taguig sa isyu ng pang-aabuso sa isang babae? Tila ayaw na ring pakialaman ni Mayora ang isyu, the fact na malaking account sa kaban ng bayan ng Taguig ang naturang entertainment complex.

Reyted K
By RK VillaCorta