Amy Perez, natuloy na rin ang kasal

ADVERTISING

Amy Perez, natuloy na rin ang kasal

Amy-PerezCONGRATULATIONS SA bagong kasal na sina Amy Perez at ng matagal na niyang ka-partner na si Carlo Castillo.

Isang Christian wedding ang ginanap sa may Mango Farm sa Antipolo nu’ng kamakalawa ng hapon na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa.

Matagal nang hinihintay ito nina Amy, dahil natagalan sila sa annulment ng kasal nila ni Brix Ferraris.

Parang nawalan na nga ng pag-asa si Amy dahil sa tagal ng kaso para maayos ang annulment.

ADVERTISING

Hindi kasi nakipag-cooperate si Brix dahil hindi na raw talaga ito nakipagkita sa kanila.

Binata na nga ang anak nila, samantalang bata pa ‘yan nu’ng sinimulan ang pag-file ng kaso. Ngayon lang naayos at talagang dinasal nang husto ‘yan ni Amy.

Naka-dalawang anak na lalaki na rin sila ni Carlo at malaki-laki na rin, kaya iniyakan niya nang husto nang natanggap niya ang resolution na annulled na sila ng dating asawa.

Kuwento nga sa akin ng mga bakla, ang cute daw ng wedding nila na kung saan si Amy raw mismo ang nag-drive papuntang venue dala ang isang sosyal na Italian car na Maseratti. Si Carlo naman daw naka-motor papunta.

Ang dalawang anak nila ang naghatid kay Amy sa altar, at kitang-kita mo raw na masaya silang dalawa.

Nandu’n siyempre ang mga pinsan nilang sina Lorna Tolentino at si Zsa Zsa Padilla na pareho nang biyuda.

Pero mukhang susunod itong si Zsa Zsa na magpakasal, ha!

Dinig ko nga next year na raw dahil mukhang happy naman ito sa dyowa-dyowaan niyang si Conrad Onglao.

Anyway, masaya lahat sila kay Amy na natuloy na rin ang matagal nilang hinihintay na makasal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING