Aminadong nagtangkang mag-suicide
Francine Prieto, itinangging nagbebenta ng katawan

<i>Aminadong nagtangkang mag-suicide</i><br> Francine Prieto, itinangging nagbebenta ng katawan

Francine-PrietoUNFAIR NAMAN kay Francine Prieto na nagbebenta na lang daw ng panandaliang kasiyahan, in short, nagbebenta ng “laman”.

Hindi naman itinatanggi ng sexy star na totoong nagbalak siyang magpakamatay noong panahong sadsad na sadsad ang kanyang showbiz career. Wala siyang TV at movie offer.

Year 2012 daw nang bigyan niya raw ng taning ang sarili. Ibebenta na ang lahat ng naipundar at aayusin na rin niya ang kanyang cremation. Desperada na raw siya that time dahil bukod sa may isyu siya sa kanyang pamilya, namatay pa ang kanyang ina na kasa-kasama niya mula pa nu’ng bata pa siya.

Pakiramdam daw niya ay wala nang saysay ang buhay kaya ginusto na niyang magpakamatay. Pero bago dumating ang araw nang itinakda niyang pagpapakamatay ay biglang dumating ang offer, kaya ibinasura niya ang planong magpakamatay.

Last year, muling nainip sa pasulpot-sulpot na assignment si Francine, pero sa halip na mag-isip muli ng hindi maganda ay sinubukan niyang magtrabaho sa isang kompanya.

Pero dahil ‘di siya sanay sa office work ay nag-resign na lang siya at umasa na makakukuha ulit ng trabaho. Iginiit ni Francine na walang katotohanan ang tsismis na nagbebenta siya ng katawan noong panahon na walang-wala siyang pinagkakakitaan.

Kung nagbenta raw siya ng katawan ay hindi na raw siya magtatangkang bumalik sa showbiz. Dapat daw ay nagpapayat na lang para ibalik ang dating alindog.

Ang 2 ½ Daddies ang itinuturing na comeback project ni Francine sa TV5, kung saan makakasama siya ang magkakapatid na sina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari. Isang madrona ang role niya sa sitcom.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo