AMINADONG IN LOVE: Kiray Celis, happy sa piling ng negosyanteng boyfie!

ADVERTISING

AMINADONG IN LOVE: Kiray Celis, happy sa piling ng negosyanteng boyfie!

AMINADONG IN LOVE: Kiray Celis, happy sa piling ng negosyanteng boyfie!
Kiray Celis

GANDA ni Kiray Celis huh! Mas maganda pa sa nagmamaganda na loveless naman.

Dini-deny man niya na never sila nagkarelasyon ng modelo na kasa-kasama niya sa mga showbiz events noon (na ngayon ay isa nang artista); tanungin mo ang dalaga tungkol sa current love status niya at ikaw pa mismo ang magugulat na tatahi-tahimik lang ang dalaga ay may boyfriend na pala ito.

“Never kami naging magkrelasyon ni Kirst Viray (na balbas sarado na “regular” date ng komedyante) noon na akala ng pipol of the Philippines ay boyfriend niya.

Dagdag niya: “Kalimutan na po natin ‘yan dahil hindi ko po talaga siya naging boyfriend, at kahit kailan ay hindi ko po siya magiging boyfriend,” pagko-kumpirma niya.

ADVERTISING

Pero of now, in love si Kiray dahil committed siya sa bagong boyfriend na isang businessman. Matagal na kaming magkakilala, three years ago. Recently lang kami nag-usap. Bigla na lang na, ‘Oooppps, puwede pala,” pagsisimula niya sa pagkukuwento ng kanyang current boyfriend during the press conference of the Valentine’s Day movie na “My Fairy Tail Love Story” na pinagbibidahan ng “tunay?” na lovers na sina Elmo Magalona at Janella Salvador directed by Perci Intalan recently.

Masaya ang personal life ngayon ni Kiray. “Napakasaya ko po, masaya po ako! Non-showbiz po… hindi po si Kirst, pakisulat po,” pa-comedy pa niyang pagkukuwento.

Mga limang buwan na sina Kiray at ang negosyanteng boyfie niya na ayaw niya pangalanan na isang restauranteur.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING