Amalia Fuentes, sumasawsaw sa away nina Nadia Montenegro at Annabelle Rama?!

ADVERTISING

Amalia Fuentes, sumasawsaw sa away nina Nadia Montenegro at Annabelle Rama?!

Amalia Fuentes, sumasawsaw sa away nina Nadia Montenegro at Annabelle Rama?! BLIND ITEM: In science, it’s proven that “like poles repel”. Tulad na lang ng dalawang showbiz mothers na ito, one of whom (the older one) has recently waged a Twitter war against the other.

Hindi malinaw kung ano ang ugat ng kanilang hidwaan, basta out of the blue na lang, ang mas matandang tauhan sa kuwentong ito ang nagpasaring—in  a Twitter account that she herself created—laban sa isang kontrobersiyal na personalidad.

But the older subject deemed it most appropriate na awayin ang kanyang kalaban this post-Lenten period. By now, she must have positively identified her nemesis in her tweets.

Kung bakit namin nasabing “like poles repel” has a lot to do with their parenting style. Parehas lang naman kasi ang estilo ng dalawang inang ito when it comes to their respective daughters.

ADVERTISING

Saksi ang ilang programa sa TV kung saan lantarang binatikos noon ng mas matandang ina ang kanyang unica hija, damay pati ang asawa nitong aktor na wala raw silbi noong dinapuan ng life-threatening disease ang kanyang anak.

On a smaller scale, wala rin itong iniwan sa inaaway niyang kapwa showbiz mom. Saksi rin ang mga manonood kung paanong ang away-mag-ina which is best confined within their household ay halos pagpiyestahan ng buong mundo, even her daughter’s lovelife ay hindi rin ligtas sa pang-ookray ng ina.

The issue between these two controversial maternal figures does not span from A to Z… but from A to A.

 

NOW THAT it’s post-Lent, true to her promise (or threat?) ay inaasahan nang nagdeklara na ng giyera si Amalia Fuentes laban kay Annabelle Rama through Twitter.

Hindi muna pinangalanan ni Amalia ang kanyang balak awayin, idinaan niya sa “blind item” ang identity ng kontro-bersiyal na talent manager na positibo namang tumutukoy kay Annabelle.

Amalia may have a valid reason for her verbal assault against her enemy, pero nakakalungkot isipin na sa gulang niyang ‘yon (which is 70 plus) ay ginagamit niya ang nasabing social networking site in sowing the seed of animosity.

All that the public knows is that Annabelle is at loggerheads with Nadia Montenegro, na balitang suportado ni Amalia sa laban nito. Kaalyansa rin daw ni Amalia ang dati ring Sampaguita Pictures fellow star na si Daisy Romualdez, all three of them ganging up on a common adversary.

Maiintindihan namin kung makikisali si Daisy sa away dahil may kunek ang kanyang adopted daughter na si Danita Paner  kay JC de Vera na alaga ni Annabelle. But for Amalia to dip her finger in an issue which is none of her business, buhkit?!

 

ABANGAN NGAYONG Miyerkules sa Face To Face ang kuwentong Ayaw Umaming Darna, Lagi Namang Laman Ng Rampa… Hindi Raw Bading, Isa Lang Paru-parong Buking! Sa rebelasyon ni Marlon, nabukelya na bading pala ang siga-sigang Kuya Mark na ikinaloka ng madir nitong si Erlinda.

Tunghayan naman bukas, Huwebes, ang episode na Magka-patid, Tubig At Langis Sa Awayan Pero Magpinsang-buong Mga Anak, Daig Pa Ang Nadikit Na Bubble Gum Dahil Nagkainlaban! Kuwento ito ni Leticia na nahuli ang anak na karelasyon ang pinsang-buo nito. Kuwento ng anak nitong si Garlet, kesa raw mapunta sa ibang babae si Peter ay sila na lang ang magtsugihan nang bonggang-bongga.

Hay, umabot na talaga sa kabaklaan at incest ang mga katsipang episode na hatid ni Tyang Amy Perez!

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING