Amalia Fuentes, paimportante sa interview?!

ADVERTISING

Amalia Fuentes, paimportante sa interview?!

Amalia Fuentes, paimportante sa interview?!

NALOKA ANG Startalk crew namin dito kay Amalia Fuentes, huh! Nasa hospital pa ito nang kinausap ng reporter namin at pumayag siyang magpa-interview.

Kaagad tumakbo sila ng hospital para interbyuhin na nga ito. Pagdating nila roon, nagbago na ang isip at ayaw na raw. Pinapunta pa niya ang crew namin sa bahay niya dahil may gulo raw roon, na wala naman pala.

Parang niligaw lang ang crew namin para hindi na matuloy sa kanya. Kaya ang ending, hindi na siya na-interview na wala kaming alam kung bakit.

ADVERTISING

Kasi nu’ng nakausap naman ito, gustung-gusto niyang magsalita kaya mabilis na kumilos ang crew namin na tumakbo du’n. Kinausap din daw ito ng isa pang talk show, at pinakiusapan na interbyuhin. Pumayag naman daw, pero ang gusto niya live. Kung i-tape ito, ang gusto naman niya walang i-edit.

Siyempre, sa ganu’ng gulo, dapat maingat at baka ma-Libel pa, ‘di ba? Kaya hindi na naman natuloy ang interview sa kanya.

Sa totoo lang, ang dami nang nagparating sa amin ng kuwento kung bakit umabot sa saksakan itong away ni Amalia sa tenant niya. May ibang angulo kaya umabot sa saksakan. Sisikapin ng Startalk na i-research ‘yan para malinaw at magkaalaman kung sino ang may sala rito.

Pero nasaksak kasi si Amalia at nadamay pati ang anak nitong si Jeric kaya dapat na mapanagutan ito. Kung hindi guilty rito ang mag-asawang Peter Tan at Rosemarie Licup, dapat nilang harapin ito at magsalita sila.

Tingnan na lang natin.

 

KAHAPON PALA ang wedding nina Marco Alcaraz  at Precious Lara Quigaman na ginanap sa Hacienda Isabella sa Tagaytay. Walang exclusivity raw ang coverage sa wedding kaya open ito sa lahat na media ng mga TV station.

Ang pagkakaalam ko, ang unang plano nila ay October ang wedding pero napaaga ito. Ang gusto raw sana  nila ay beach wedding, pero ‘yung nakita raw nilang lugar sa Batangas ay medyo mahirap sa kanila at pati sa mga guest kaya nagbago na sila.

Napagdesisyunan na nilang gawin na ito ng July 8 at sa Hacienda Isabella na. Meron naman daw swimming pool doon na pagdausan ng seremonya. Maraming mga taga-showbiz na involved sa wedding pero hindi sa iisang network lang,

Mga close friends nina Marco at Lara sa mga programang nilabasan nila, at nangako silang dadalo.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang ilang sidelights na naganap sa wedding na ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING