Alyssa Valdez may pakiusap sa mga fans nila ni Kiefer Ravena

NAGLABAS ng official statement ang talent management agency ng Volleyball Star and PBB alumni na si Alyssa Valdez kaugnay ng diumano’y ‘breakup’ sa pagitan ng dalaga at ng longtime boyfriend nito na si Kiefer Ravena.

Ni-repost ng Creamline star player ang official statement na inilabas ng VMG Asia on her behalf. Kalakip din ang simpleng mensahe na, “Please avoid making up stories & spreading false rumors. Thank you for all the love.”

Alyssa Valdez may pakiusap sa mga fans nila ni Kiefer Ravena
Kiefert Ravena and Alyssa Valdez

Narito ang opisyal na pahayag:

“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories & spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.

“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her.

“This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining interviews or questions. Thank you for your understanding.

Kahit na hindi direktang sinabi sa statement, alam na ng mga followers ng dalawa na patungkol ito sa kanilang rumored breakup.

Sa paglabas ng official statement ay nag-trending kaagad ang Alyssa, Kiefer at KiefLy sa Twitter. In short, marami ang apektado sa balitang ito.

Katatapos lang ni Alyssa Valdez ng kanyang stint sa SEA Games na ginanap sa Vietnam with the national volleyball team. Ito rin ang dahilan kung bakit mas pinili nito na umatras sa pagbabalik niya sana sa Pinoy Big Brother house.

Sa kabilang banda, naglalaro naman ngayon si Kiefer Ravena para sa Shiga Lakestars in the Japanese B. League.

 

Previous articleTop 5 Cindy Miranda Movies to Watch
Next articleLoisa Andalio itinanggi na nagsasama na sila ni Ronnie Alonte sa iisang bahay