Alyssa Valdez hindi na babalik sa PBB; Samantha Bernardo, napiling kapalit

HINDI NA babalik sa Pinoy Big Brother House si Alyssa Alvarez.

Ito mismo ang kinumpirma ng Star Athlete na ngayo’y busy sa paghahanda para sa SEA Games na magaganap sa May 12-23, 2022.

Alyssa Valdez hindi na babalik sa PBB; Samantha Bernardo, napiling kapalit
Alyysa Valdez and Samantha Bernardo

Noong May 1 ay opisyal na inanunsyo na ang beauty queen na si Samantha Bernardo ang papalit sa puwesto ni Alyssa. Matatandaan na sa huling eviction night ng PBB Celebrity Edition na ginanap noong Enero ay si Samantha ang 3rd placer kaya karapat-dapat siya na humalili sa nabakanteng puwesto ng atleta.

Nagbigay naman ng saloobin si Alyssa Valdez noong May 2 sa pamamagitan ng Instagram.

Post niya, “it was really quite an experience being inside the PBB house.

“Got to learn so much from laughing so hard because i plucked ate Brend’s armpit hair to crying because kuya asked as to choose success over family….there’s also rapping, dancing, acting, cooking and a lot more!

“But what i treasure the most is being able to meet people i can call real and close friends. From different fields, it’s all about coming together to create amazing memories inside the house. [heart emoji]

“Maraming salamat, kuya! Salamat PBB. Once a PBB housemate, always a PBB housemate! P.S collab natin kuya soon hehe”

Nagpadala rin ng mensahe si Alyssa kay Samantha, whom she fondly calls ‘sizzy’:

“To sizzy @samanthabernardo__ we’re all here to support you! Just enjoy and be yourself!

“To Alyfinity, Samly, TeamKiefer, TeamKiefly, Ravena Fam, sa family ko and friends maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at supporta! Mahal ko kayo.”

Goodluck to both Alyssa and Samanta!

 

 

Previous articleVLOG WATCH: Kyline Alcantara’s Biggest Role To Date (Korea Tourism Ambassador na siya!)
Next articleAni ni Edu: Leni palalakasin pa ang PNP kapag nahalal na pangulo