Alwyn Uytingco nangungilala sa dalawang anak na babae

Leo Bukas

IBINAHAGI ni Alwyn Uytingco ang kanyang labis na pangungulila sa dalawang anak na nasa poder ngayon ni Jennica Garcia pagkatapos nilang maghiwalay. Bago lumipat ng bukod na tirahan ay ibinenta muna ni Jennica ang ilang personal na gamit at mga kasangkapan.

Sa dalawang video na pinost ni Alwyn ay mapapanood ang cute na kulitan ng kanyang dalawang babaeng anak na sina Athena Mori at Alexis Severina.

Alwyn Uytingco nangungilala sa dalawang anak na babae
Alwyn Uytingco and Jennica Garcia with their kids

Ani Alwyn para sa kanyang first born child,  “My future ballerina. Miss you soooo much, My Mori-chan. I love you anak.”

“Ang aking future mountain ranger. Mahal na mahal kita Alessi. Miss you anak,” mensahenaman niya para sa bunso.

Last week  ay nagsalita si Jennica  tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Alwyn at dito niya nilinaw na pabaya at iresponsableng asawa ang kanyang mister. Nilinaw din niya na hindi pera ang ugat ng kanilang hiwalayan.

“Financial problem is not the reason. Our savings was never an issue,” lahad pa ni Jennica.

“Going back and pursuing my career as an actress is simply the wise thing for me to do in this season in my life. I will never say anything bad about the father of my children.

“If you see an article with me putting Alwyn in a bad light, please make sure it was published by a reputable source before you believe. The good things that I said about how I honor Alwyn up to this day because he was never materialistic, hardworking and a good provider was not included in the reposted articles.

“I will try my best to gear away from questions pertaining to Alwyn from this day forward to protect what my children will be able to read in the future,” paliwanag pa niya.

Previous articleJolina Magdangal on ‘kaibigan mo lang ako’ scene with Marvin Agustin: ‘Iyon talaga ang nararamdaman ko!’
Next articleJosh Aquino mas piniling manirahan sa Tarlac; away nila ni Bimby naayos na