Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, magkakaanak na

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, magkakaanak na

Alwyn-Uytingco- Jennica-GarciaCONGRATS SA mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia dahil 8 months from now ay magiging parents na sila.

Excited na nag-post sa Instagram ang dalawa showing the ultrasound result, kaya for sure, work to death si Alwyn.

Matatandaang successful na naitago ng dalawa ang kanilang kasal at sila na mismo ang nagbunyag na sila’y married na.

Well, here’s hoping na sana nga hanggang sa pagtanda nila ay sila na at sana’y ‘wag silang paaapekto sa mga darating na intriga.

Kung kilala namin ang anak-anakan naming si Alwyn, sobrang bait ng batang ito kahit maraming tattoo sa katawan.

At hindi rin naman naging batayan ang ugali ng isang tao porke me tattoo siya. At eversince hindi ko siya nabalitaang nambabae.

O hindi lang ako updated? Hahahaha! Charot lang!

Oh My G!
by Ogie Diaz