Always wanting to be by Robin Padilla’s side: Mariel Rodriguez doesn’t feel working anymore?

ADVERTISING

Always wanting to be by Robin Padilla’s side: Mariel Rodriguez doesn’t feel working anymore?

Always wanting to be by Robin Padilla’s side: Mariel Rodriguez doesn’t feel working anymore? MAINGAY ANG USAP-USAPANG flop ang pelikulang unang beses pa namang pinagtambalan ng newly wed couple na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Sobrang hina raw talaga nito sa takilya lalo na nu’ng opening day. May balita pang sa isang sinehan na naroon sa isang dinarayong malaking mall, naka-14 thousand lang daw ito ng gross sa isang buong araw hanggang gabing pagpapalabas nito. May report din namang sa pinagsamang gross lahat ng sinehang ipinalabas ito, 550k daw on it’s first day, and 450k sa second day. Mahina pa rin for a Robin starrer.

ADVERTISING

Nakakalungkot kung totoo ito. Lalo on Robin’s part na siyang producer at direktor din nito. Todo ang ibinigay niyang effort na mapaganda ang pelikula na kinunan pa nga nila sa India. Sa puso ng action superstar, nando’n ang sincere niyang hangaring makatulong sa pagpapasigla ng local movie industry kaya nga nag-produce na siya ng pelikula.

Ano nga kaya ang naging problema at hindi kinagat ng moviegoers ang tambalang Binoe-Mariel? Ibig kayang sabihin ay walang dating sa publiko ang tandem nila?

Ayaw ni Toni Gonzaga!

ADVERTISING

SPEAKING OF MARIEL, balitang tinatamad na nga raw itong magtrabaho at ang gusto’y kay Robin na lang ibuhos ang kanyang pansin. Mas gusto raw ng TV host na tumunganga at titigan na lang nang titigan ang napangasawang action star.

Si Robin naman, nagpahayag nga na hindi niya gustong parang sa kanya na umiikot ngayon ang mundo ni Mariel. Aniya nga, nakapanghihinayang nga raw kung pababayaan ni Mariel ang kanyang career lalo na ang TV hosting kung saan nga ito magaling.

Hindi rin nga siguro sanay si Binoe na ang kabiyak ng kanyang puso ay sa kanya na lang isisentro ang mundo at buong buhay nito. Kung hindi maaawat si Mariel sa ganitong drama, hindi kaya taba-ngan o magsawa si Robin sa kanya?

‘Yun na!

Marami rin ang naiintriga kung bakit tila ayaw ngang naririnig umano ni Robin ang pangalan ni Aljur Abrenica na nali-link ngayon sa anak niyang si Kylie. Mukhang hindi raw boto ang action star sa binata to be his daughter’s boyfriend.

Kasi naman si Aljur, simula nang mabalitang nanliligaw kay Kylie, kahit isang beses ay hindi pa umano nagkalakas ng loob humarap nang personal kay Robin para magsabi ng kanyang hangarin sa dalaga.

Pero teka… ‘di ba at balitang sina Rich Asuncion at Aljur pa rin daw until now? Huwag na huwag lang lolokohin ni Aljur si Kylie at siguradong may paglalagyan siya kapag binuweltahan ni Binoe.

Mismo!

SIMULA NGAYONG GABI, hindi na muna nga mapapanood ang Willing Willie. Marami nga ang nagulat nang biglang i-announce last Friday ng host at producer nito na si Willie Revillame na ihinto muna pansamantala ang pag-ere ng nasabing top rating primetime show ng Kapatid Network.

“Nakipag-usap ako sa presidente po ng TV5, si Atty. Rey Espinosa, na magpapahinga muna po ako,” malungkot na pahayag ng TV host. “Starting Monday (April 11), hanggang next week at sa Holy Week, wala munang Willing Willie. Humihingi lang muna po ako ng pagkakataon at sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito.”

Usap-usapan ding walang choice umano si Willie kundi ihinto muna ang pag-ere ng kanyang show dahil nagpu-pull-out na ang mga advertisers at sponsors nila.

Ang sabi lang ni Willie, “Wala pa pong husga, eh. Wala pa sa kaso. Ginawa nila akong criminal,” aniya pa.

Tsk… tsk… tsk!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING