Always late and mad: Marian Rivera’s co-star, secretly irritated!

ADVERTISING

Always late and mad: Marian Rivera’s co-star, secretly irritated!

Always late and mad: Marian Rivera’s co-star, secretly irritated!SOBRANG SAYA NI Mommy Dionesia sa muling pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Mosley. “Actually, Morly, dati gusto ko na talagang huwag na siyang mag-boxing. Sana tigilan na niya, pero sabi niya sa akin one time, titigil daw siya sa pagbo-boxing, ‘pag tinigilan ko na ang pagbo-ballroom. Ay, parang hindi naman yata puwede iyon, dahil ‘pag hindi ako nagsayaw baka mamatay na ako agad,” sabi sa amin ni Mommy Dionesia sa isang interbyu.

ADVERTISING

Ayon kay Mommy Dionesia, walang katotohanan na may anting-anting si Manny at lalong hindi ito nagdo-droga. “Nananalo ang anak ko, dahil magaling talaga siya. Pero madalas kong sabihing huwag siyang makapanakit sa pakikipaglaban, dapat lagi niyang paghahandaan.”

Sinabi pa rin ni Mommy Dionesia, ngayong muling nanalo si Manny, lalong lalaki ang handaan ng kanyang nalalapit na kaarawan sa May 15. “Handang-handa na ang venue ng party ko, du’n gagawin sa bagong gym na pinagawa ni Manny. Ang sabi ko, ayoko sana du’n, kaya lang ang sabi ni Manny, ‘yung blessing at birthday ko, pagsasabayin na kaya pumayag ako. Siyempre, nakakahiya naman sa mga invited ko, ‘pag hindi maganda ang party ko. Gusto ko masaya at maraming pagkain talaga. Invited ko lahat ng mga kapitbahay namin sa Gen San, lahat sila puwedeng pumunta, lahat sila sinabihan ko na, kaya malaking handaan ito.”

Mamahaling gown na worth almost P40,000 ang isusuot ni Mommy Dionesia. “Hindi pa gawa ang gown ko, pero aqua blue iyon na parang may violet, maganda talaga siya at ginagawa pa siya ngayon nu’ng kaibigan ko. Kaya masayang-masaya talaga ako sa birthday ko.”

ADVERTISING

Sinabi pa ni Mommy Dionesia, na malakas daw siya sa Diyos. “Sabi ko nga, malakas ako sa Kanya, kasi lahat ng mga pinagdadasal ko nangyayari. Sabi ko noon sa Diyos, sana yumaman kami, heto mayaman na si Manny… sobra-sobra na ang pera niya. Kahit hindi na siya magtrabaho okey na, kasi marami na siyang negosyo. Hindi ko na nga alam kung anu-ano ang mga negosyo niya, basta marami na talaga at ‘yung mga secretary na lang namin ang nakakaalam.”

Sa pagwawakas, sinabi niya na ang mga alahas niya ay santambak na rin daw. “Kung sino ang mas maraming alahas sa amin ni Jinkee? Ewan ko lang, pero sa pagkakaalam ko, pareho lang kaming maraming alahas, bigay lahat ni Manny.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Mommy Dionesia ang nawala niyang mamahaling singsing, pero okey lang daw iyon, kasi marami pa rin naman daw siyang alahas na nakatago. “Hindi ko lang sasabihin kung nasaan ang mga alahas ko, basta marami akong alahas at original lahat!”

NILINAW NI PAOLO Contis na walang kinalaman si Marian Rivera sa pag-back-out niya sa Amaya. Ang sinasabing dahilan ni Paolo ay hindi naman daw ganu’n kabigat ang kanyang role at maiipit daw siya sa iskedyul. “Marami ring raket kasi si Paolo at hindi naman ganu’n kaganda ang magiging role niya. Kumbaga, one of those lang siya, kaya ginive-up niya ang nasabing project,” pahayag iyon ng isang taong malapit sa aktor.

Samantala, may nagsabi sa amin na alibi lang daw talaga ni Paolo ang hindi niya nagustuhang role, dahil ang totoo ay hindi daw talaga nito feel ang ugali ni Marian na siyang dahilan din kung bakit hindi rin nakayanan ng ilang artista ang pag-uugali ni Marian. “Si Marian kasi, sobrang totoo sa sarili, kung ano ang gusto niyang sabihin, sinasabi niya kahit alam niyang masakit ang kanyang sasabihin.”

Sa kabilang banda, ang isa raw sa inirereklamo kay Marian ay ang laging late ito sa taping. “Madalas late na nga, siya pa itong galit kapag dumarating. Para bang kasalanan ng staff at ng ibang artista kung bakit siya na-late. Kaya marami ang naiinis talaga sa ugali niya,” pahayag iyon ng isang artista na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan.

Hindi raw malayo na tuluyang ayawan na si Marian ng mga co-star niya kapag hindi ito nagbago ng masamang ugali. “Nawala na ang dating masamang ugali nito, pero parang bumabalik ngayon kaya maraming lihim na galit sa kanya. Sino ba naman ang matutuwa kung late na nga siya, siya pa itong galit at nagmamalaki, ‘di ba?

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING