Alvin Fortuna, abala sa negosyo at acting career

ADVERTISING

Alvin Fortuna, abala sa negosyo at acting career

Kahit busy si Alvin Fortuna sa showbiz career niya, nakakaya niyang pagsabayin ang acting at ang pagiging businessman. Ayon sa aktor, kaya naman daw pagsabayin ang dalawang ito. Puwede raw gawin pareho nang hindi napababayaan ang isa sa kanyang passion. 

ADVERTISING
Alvin Fortuna, abala sa negosyo at acting career
Alvin Fortuna

“Puwede namang pagsabayin. Ngayon, bukod sa Cerchio Grill na resto namin, may new salon kami, ang Prettiserie Hair & Nail Salon na located both in Scout Limbaga St. sa Tomas Morato Avenue.” 

“About naman sa aking showbiz career, may three movies akong natapos. Ito ‘yung ‘Moon Over Baler’, ‘Bhoy Intsik’, at ‘Salamin’. Plus, may bagong BDO print ad din ako,” pahayag pa sa amin ni Alvin nang makapanayam namin recently ang masipag na aktor/businessman. 

Enjoy ka ba na pinagsasabay ang pagiging businessman at pag-aartista? 

ADVERTISING

Sagot ni Alvin, “Enjoy rin naman ako sa pagiging aktor at businessman. Kasi, nakatutulong sa business ang pagiging aktor ko naman.” 

Dagdag pa niya, “Kapag may offer sa akin sa showbiz, go lang ako! Kapag wala naman, tuloy lang iyong business. Bale, kapag walang project ay sa business ako mas tumututok, ganoon lang.” 

Si Alvin ay matagal-tagal na ring bahagi ng mundo ng showbiz. Bukod sa paggawa ng mga pelikula, madalas din siyang lumabas sa iba’t ibang TV shows at pati na sa commercials. 

Ang Cerchio Grill ay isa sa paboritong kainan sa mga showbiz function kaya added attraction ito sa mga customer ng naturang restaurant na makakita ng celebrities dito habang kumakain. Samantalang ang Prettiserie Hair & Nail Salon naman, ayon sa katotong Danny Vibas na nakapunta na roon ay sosyal ang porma at impressive ang ambiance.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING