Althea Ablan at Bruce Roeland magpapakilig sa ‘Regal Studio Presents: My Boss, My Love’

MAINIT na ang panahon ngayon, pero papakalmahin tayo sa kilig ng child stars turned promising teen stars na sina Althea Ablan at Bruce Roeland na kilala rin sa loveteam name na ‘AlBruce‘.

Sina Althea at Bruce ang bida sa unang pasabog ng Regal Studio Presents ngayong Abril in a kilig episode titled ‘My Boss, My Love‘.

Althea Ablan at Bruce Roeland magpapakilig sa 'Regal Studio Presents: My Boss, My Love'
Althea Ablan and Bruce Roeland

Ito ay kuwento ng isang blooming young love. Gagampanan ni Althea ang papel na Tanya, anak ng caretaker ng isang hacienda na very bubbly ang personality. Sabik na sabik siya sa pagdating ni Tim (played by Bruce Roeland), na apo ng kanilang amo na magbabakasyon mula sa Belgium. Maraming emotional baggage si Tim dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang, pero sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya ay mas magiging positibo ang pananaw nito sa buhay. S’yempre, si Tanya ang isa sa mga magpapangiti sa kanya.

Pero ano ang mangyayari sa blooming romance na ito? May pag-asa nga ba na tumagal ang relasyon ng isang anak ng caretaker at balikbayan na amo?

Isa ang tambalang ALBRUCE sa ginu-groom ng Kapuso network. Sa trailer pa lang ng episode na ito ay kita na ang natural chemistry ng dalawa kaya naman inaabangan na namin ang kilig episode na ito!

Panoorin ang Regal Studio Presents: My Boss, My Love ngayong Sunday, 4:35 pm sa GMA pagkatapos ng infotainment show na THE BEST KA! ni Mikael Daez.

Previous articleAga Muhlach may reaksyon sa pagbibida ni Arjo Atayde sa remake ng isa niyang pelikula
Next articleVLOG WATCH: Solenn Heussaff’s First Milan Fashion Week Experience!