Alonzo Muhlach, susundan ang yapak ang amang si Niño Muhlach

Alonzo Muhlach, susundan ang yapak ang amang si Niño Muhlach

Alonzo-Muhlach - Nino-MuhlachPUMIRMA NG five-year contract sa Viva Artists Management ang child actor na si Alonzo Muhlach na anak ng dating child wonder ng Phiippipne showbiz na si Niño Muhlach. Si Alonzo ay mina-manage ni Tita Aster Amoyo at hindi ng tatay niyang si Niño.

Ayon kay Nino, ayaw niyang matawag na stage father kaya ipinagkatiwala niya kay Tita Aster ang pagma-manage sa anak. “Siya na ang bahala kay Alonzo. Malaki naman ang tiwala ko kay Tita Aster dahil para na siyang ina ni Alonzo,” sey pa ni Onin.

Kahit hindi pa nakapipirma sa Viva, may projects na sa ABS-CBN ang bata. Lumalabas na siya sa Goin’ Bulilit every Sunday and soon, kasama siya sa Inday Bote ng Dreamscape Entertainment na pagbibidahan nina Alex Gonzaga, Kean Cipriano, at Matteo Guidicelli.

Sa Pinoy Big Brother All In naman unang napanood ng televiewers si Alonzo nu’ng time na ipinasok ni Kuya ang mga batapara subukan ang pasensiya ng PBB housemates.

Kung masusundan ba ni Alonzo ang yapak ng tatay niyang si Niño, ‘yan ang ating dapat abangan.

La Boka
by Leo Bukas