Alonzo Muhlach, bongga ang 7th birthday

ADVERTISING

Alonzo Muhlach, bongga ang 7th birthday

Nag-enjoy nang husto ang mga batang bisita ni Alonzo Muhlach sa kanyang 7th birthday na ginanap sa Circle of Fun sa Quezon Memorial Circle last Friday (Feb. 18). Bukod kasi sa libreng rides, marami ring give aways na ipinamigay sa mga batang bisita.

Alonzo Muhlach, bongga ang 7th birthday
Alonzo Muhlach
Alonzo Muhlach, bongga ang 7th birthday
Alonzo with dad Niño Muhlach

Ayon sa dating child wonder na si Niño Muhlach na tatay ni Alonzo, deserve ng anak ang magkaroon ng ganu’n kabonggang birthday celebration. Sobrang proud din ang ama dahil first honor sa klase ang anak kahit nagsi-showbiz ito.

“Kaya nga, kumbaga, ‘pag party naman niya, talagang pinaghahandaan ko talaga, kasi sulit naman, eh. First honor pa rin siya and everything,” kuwento ni Niño.

Ilan sa mga naging guests ni Alonzo sa birthday niya ay ang mga kasamahan niya sa “Your Face Sounds Familiar Kids” na sina AC at Ehla. Present din sa party sina Raikko Mateo, mga anak ni Sen. Kiko Pangilinan, Benjie at Andrei Paras, Jao Mapa and children, Carlo Maceda at mga anak, at marami pang iba.

ADVERTISING

Touching din ang birthday wish ni Alonzo nang itanong ito sa kanya. Gusto raw niya na palaging magkakasama ang kanyang pamilya sa lahat ng birthdays na darating pa sa buhay niya.

Wow naman!

Samantala, kahit na hindi manalo si Alonzo sa YFSFK, sobrang proud pa rin si Onin sa bata.

“Kahit hindi siya nananalo, kahit na last place siya sa “Your Face Sounds Familiar”, eh hindi naman siya singer, eh. Saka siya ‘yung pinakabata du’n. Nag-e-enjoy lang siya, ‘yun lang. Okay na sa akin ‘yun,” pahayag pa ng tatay ni Alonzo.

ADVERTISING