Alodia Gosiengfiao engaged na kay Christopher Quimbo

LOVE IS in the air for one of the most popular cosplayers in the world na si Alodia Gosiengfiao sa kanyang recent confirmation na siya ay engaged to be married na sa kanyang businessman boyfriend na si Christopher Quimbo.

“I guess, yun nga, I couldn’t imagine a life na without him.” sambit ni Alodia sa kanyang vlog.

Alodia Gosiengfiao engaged na kay Christopher Quimbo
Alodia Gosiengfiao and Christopher Quimbo

Paglalarawan ng dalaga sa kanyang partner, “Everything is just falling into place, na parang hindi siya pilit, hindi siya nira-rush or something. Parang napakaganda lang, I guess. It’s very pure.

Sa latest vlog ni Alodia na pinamagatang ‘A New Journey’ ay ipinakita nito ang mga highlights ng proposal ni Christopher sa kanya, na dinaluhan ng mga taong malapit sa kanila.

Sambit ni Alodia sa description ng kanyang latest vlog, “For some it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found.”

Sa nasabing video ay inalala ni Christopher kung kailan at paano niya napagtanto na si Alodia na ang ‘the one’ niya.

“Within the first month of meeting Alodia and asked her to be my girlfriend, I wrote her a long heartfelt letter and I promised her certain things and I would tell her that I intend in keeping all those promises.”

“I’ll be good to her. I’ll be her biggest fan. I’ll treasure her.” nakakakilig na saad pa ni Christopher.

Congratulations, Alodia and Christopher! Wala talaga sa tagal ng relasyon ang true love. Noong April 2022 lang kinumpirma ni Alodia ang relasyon niya kay Christopher. Stay in love! Sana all!

Previous articleXian Lim ididirek ang mga beteranong komedyante sa ‘Hello, Universe’
Next articleLJ Reyes, may touching message sa 12th birthday ng anak na si Aki