Alma Moreno, tinitira sa social media sa paghingi ng “slut”

ADVERTISING

Alma Moreno, tinitira sa social media sa paghingi ng "slut"

Alma Moreno, tinitira sa social media sa paghingi ng "slut"Depende sa gumagamit, social media can be positive as it can also be destructive.

ADVERTISING

Duda namin ay gawa-gawa lang ng mga walang magawa ang kumakalat na post ni Alma Moreno particularly on Facebook believed to be bogus. Apparently screen-grabbed and lifted from her social media account, may panawagan si Alma sa kanyang post in the wake of her senatorial bid.

Since may labindalawa ang ibobotong senador, baka raw maaaring sa kanya na ibigay ng electorate ang isang “slut.”

No doubt, may halong malisya ang pagkakabaybay sa salitang ‘yon.  “Slot” ang ibig sabihin ni Alma kung totoo ngang sa kanyang account galing ang kahilingang ‘yon. A lot of us know naman siguro what “slut” means, don’t we?

ADVERTISING

Agad nag-react si Alma Moreno, huwag na raw gawing isyu ang kanyang misspelled word. Para sa amin, unfair kay Alma ang anumang assault on her person, okey na ‘yung kakapusan niya ng isip o pinag-aralan. But for some netizens to go down to the level of personal attacks, it appears na hindi si Alma—kundi sila—are bereft of good education.

 

THROWING HER weight around.

Ito ang pinoproblema ni Jingo sa kanyang biyenang si Mama A na palala na nang palala ang pangingialam sa buhay nila ni Majay, mula sa ayos ng living room set at pati ang birthday ng triplets. May catering pa kasing nalalaman si Mama A, but does the idea sit well with Jingo?

Malungkot naman si Bernie dahil hindi nagpapakita si Amboy. Tuluyan na kayang mawala sa buhay ng baklita si Amboy? Ikabaliw kaya ito ni Bernie?

Ang isa pang nadedelikado ang samahan ay sina Yumi at Ethan. Dumating sa eksena si Nathan, mabait, mayaman, at marunong. Almost perfect. Pati ang apat na dugyot ay kampi kay Nathan. Ano na ang gagawin ni Ethan to prove his worth?

Para malaman ang mga sagot sa mga tanong na ‘yan, don’t miss another exciting episode of “Ismol Family” this Sunday on GMA 7.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING