Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor nagsama-sama sa ‘Pornstar’ movie ni Direk Darryl Yap

ADVERTISING
Leo Bukas

May bagong pelikulang tinatapos si Direk Darryl Yap sa Viva Films. Ang title nito ay Pornstar at magiging launching movie ito ng isang baguhang sexy star ng Viva.

Nasa cast din ng Pornstar sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor. Sa Subic nagsyuting ang cast ng Pornstar kung saan lahat sila ay naka-lock-in ng halos dalawang linggo.

Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor nagsama-sama  sa 'Pornstar' movie ni Direk Darryl Yap
Ara Mina, Maui Taylor, Darryl Yap, Rosanna Roces and Alma Moreno in ‘Porn Star’

“Pagtapos ng #JOWABLE, sa paparating na #TILILING at ANG BABAENG WALANG PAKIRAMDAM buong pagmamalaking ibinabahagi ng VIVA Films at VinCentiments, ang aking ikaapat na pelikula,” announcement ng kontrobersyal na director sa kanyang Facebook account.

Ayon pa kay Direk Darryl ang kanyang bagong pelikula ay tinapos niya sa kalagitnaan ng pandemya.

“Ito ay isang katangi-tanging likhang isinulat, binuo at tinapos sa kalagitnaan ng pandemya. Kasama dito sina Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces at Alma Moreno na gaganap bilang kanilang mga sarili.

ADVERTISING

“Ating tunghayan kung paano hinuhubog ang isang pornstar, mula sa kamay, utak at puso ng mga naging batikan at pinakakontrobersyal na sexy stars ng kani-kanilang panahon — ang pantasya ng mga pinapantasya, ang pangarap ng mga pinapangarap.

“Ikaw? Paglaki mo, anong gusto mong maging? Paglaki ko, gusto kong maging PORNSTAR! Malapit Na!” lahad pa ng director sa Facebook.

 

ADVERTISING