Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor, mga ‘laos’ na nga ba?

PASABOG ang kauna-unahang original movie offering ng Vivamax, ang bagong digital streaming site ng Viva Entertainment. Hindi lang isa, kundi apat sa mga sex sybols ng Philippine movies ang pinagsama-sama nila sa iisang pelikula.

Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor, mga 'laos' na nga ba?
Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, AJ Raval and Alma Moreno

Naging usap-usapan sa internet ang bulgar na trailer ng pelikulang ‘Paglaki Ko, Gusto Ko Maging ****star’ na mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap ng VinCentiments. Kahit na maituturing na bago pa lang sa paggawa ng pelikula si Yap, hindi maikakailang may legions of followers na ito. Una itong pinatunayan ng box-office results ng first full-length film niya na #Jowable na nagpasikat kay Kim Molina. Patuloy din siyang pinagkakatiwalaan ng Viva Films sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanyang mga mapangahas na ideya tulad na lang ng pelikulang ‘Paglaki Ko..’.

Maganda naman ang intensyon ng pelikulang ito. Gusto nito ipakita kung ano ang sad reality na kinamumulatan ng ilan sa mga pinagpantasyahang sexy stars noong araw. May mga parte sa pelikula na pakiramdam ko lang ay sana hindi na isinama (ex. Alma Cares, ‘Papa’, below-the-belt na personal na tira), pero makukuha naman ng mga manonood ang pinupunto nito lalo na kung nasubaybayan nila ang mga karera ng apat na nabanggit.

Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor, mga 'laos' na nga ba?
Ara Mina, Rosanna Roces, Direk Darryl Yap, Alma Moreno and Maui Taylor

Napatunayan din nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor na hindi lang sila basta maalindog at maganda noong araw – Kaya rin nilang umarte! Maituturing na award-winning actresses at may estado na sila sa showbiz, kaya parang magtataka ka kung bakit pumayag sila na mismong mga sarili nila ang kanilang ginagampanan kung puwede naman gumamit ng mga character names.

Kasali rin sa pelikula ang mga bagong pambato ng Viva sa kasekshan na sina AJ Raval, Ana Jalandoni at Rose Van Ginkel. Ang masasabi lang namin ay marami pa silang kakaining bigas! Ha-ha-ha! Workshop pa more! Siguro naman ay may mga natutunan sila sa apat na beteranang sexy stars na nakausap nila.

Kung trip mo ang ganitong pelikula, magsubscribe na kayo sa Vivamax. We wonder kung umepek ba ang pa-shocking value ng pelikula para maenganyo ang tao na magsubscribe sa halagang Php 149.