Alma Moreno at iba pang celebrities, pasok sa senatorial survey

ADVERTISING

Alma Moreno at iba pang celebrities, pasok sa senatorial survey

Alma-MorenoMarami tiyak ang hindi makapaniwala o nagtaas ang kilay nang kumalat sa social media na pasok si Alma Moreno sa November 8-15 2015 Pulse Asia survey.

ADVERTISING

Nasa 18th-20th place si Alma Moreno sa survey na may 1,200 respondents.

Ayon sa isang Facebook account, kasama sa tanong ito: “Sa mga taong nasa listahang ito, sinu-sino ang inyong iboboto bilang SENADOR NG PILIPINAS kung ang eleksyon ng 2016 ay gaganapin ngayon at sila ay mga kandidato? P’wede kayong pumili ng hanggang 12 pangalan.”

Sariwa pa sa alaala ng marami sa social media ang naging viral na video interview ni Alma kay Karen Davila. Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ng aktres dahil hindi niya nasagot nang tama ang mga katanungan ni Karen.

ADVERTISING

Actually, hindi lang si Alma ang pasok sa survey. Maging ang celebrities na sina Edu Manzano, Manny Pacquiao, at Manila Vice Mayor Isko Moreno ay pasok din.

 

NA-ENJOY NAMIN nang husto ang Kapamilya Thank You For The Love Christmas party ng ABS-CBN para sa entertainment media.

Kasama kami sa Your Press Sounds Familiar na pakontes ng Dos para sa ilang piling entertainment press. Hindi kami nagwagi, pero na-enjoy namin ang aming transformation session with the Glam Team na kinabibilangan nina Poison, Jackie Rivera, Lowla na siyang nag-ayos sa amin at isa pang comedian na nakalimutan namin ang name (sorry ha?).

Magaling ang Glam Team dahil sila ang gumagawa ng transformation ng lahat ng kasali sa season 2 ng Your Face Sounds Familiar. Hindi nagkamali ang Dos ng pagpili sa kanila for the show.

Easily, si Lowla ang pinakabeterana na talagang magaling ang kamay sa pag-transform sa mga looks ng performers. Maging kami nga ay na-experience ang kanyang galing sa make-up transformations.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING