Alma Concepcion sa ama ng anak: Makipag-usap ka naman

Alma Concepcion sa ama ng anak: Makipag-usap ka naman

Alma-ConcepcionUPCLOSE AND personal naming nakilala at nakausap ang 15 year-old na anak ng beauty queen-turned-actress na si Alma Concepcion by her former boyfriend Dody Puno, si Kobe.

Kobe is the subject of Alma’s “battlecry” against Mr. Puno who—for about seven months—has not been giving his regular monthly financial support to the kid from Ateneo (also the alma mater of the Punos), ayon sa kanyang Facebook post on February 17.

Funny thing, while seriously considering Alma’s story in Startalk’s lineup of major stories for the week, heto ang mag-ina storming into our meeting room! Could Alma have sensed that she and her son were our topic at that precise moment?

Ang dahilan pala ng presensiya ng mag-ina sa GMA was for Kobe’s show-up at the then still-ongoing auditions for Starstruck.

A young showbiz hopeful, Kobe smilingly posed before the required white backing, but more than his “may gatas-pa-sa-labi” looks, pinahanga kami ng bata with his quick, intelligent reply to questions na kahit yata ang ina niyang si Alma would find most difficult to answer at a Q & A portion in a far-flung barrio beauty contest!

Samantala, iniyakan pala ng bagets ang post ng ina. Immediately, his dad rang him up, “He asked me how I was, and I said I’m not okay. I told him to fix it, and he promised he would.”

Bluntly, tinanong namin si Alma kung magkano ang buwanang sustento ni Dody sa bata, to which she repled, “Less than a hundred thousand. But my point is, makipag-communicate ka naman. Kung ang afford mo lang, eh, tution fees nu’ng bata, okey lang. May means din naman ako as I put up my own company.”

 

KUWENTONG BABYSITTING ang isa sa mga tampok sa episode ng Ismol Family ngayong Lingo.

Paaarawan ni Majay ang triplets pero nagprisinta si Bobong na siya na lang daw. May kausap si Bobong sa cellphone sa park, habang nasa tabi niya ang tatlong stroller.

Nalibang at sumakay sa taxi si Bobong. Naiwan niya ang triplets. Ano kaya ang mangyari sa mga anak nina Majay at Jingo? Siguradong magagalit ang mag-asawa, mapatawad kaya ni Majay ang kapatid?

Isa pang magiging problema ni Bobong ay ang kanyang ex-girlfriend seven years ago na si Mildred. Iniwan at pinagtaguan niya ito, at muli itong nagbalik. May naging anak din si Bobong kay Mildred pero itinago at itinakas ng tagapag-alaga.

Sa kung sino ang anak nina Mildred at Bobong ay tiyak na ikagugulat ng mga viewers.
Samantala, tumawag ang ama ni Bernie at sinabing bibisita siya para makilala ang syota ni Bernie. Syota ni Bernie? Saan siya kukuha ng syota, samantalang iba ang sexual preferences niya? Sino kaya ang hahatakin ni Bernie?
Nasunog naman ang apartment na rerentahan ni Lance kaya sa Ismol house na naman siya titira. Expect another problematic yet exciting life sa Ismol Family.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III