Alma Concepcion, naghahabol ng suporta sa ama ng kanyang anak

Alma Concepcion, naghahabol ng suporta sa ama ng kanyang anak

Alma-ConcepcionNAGSISIMULA PA lang noon si Alma Concepcion sa showbiz nang makilala namin siya sa pamamagitan ng kanyang mentor na si Ces (Cesar) Evangelista na personal naming kaibigan and at the same time editor namin for Movie Flash Magazine ng GASI in the early 80’s.

Kung hindi ako nagkakamali and if my memory serves me right, galing sa Hawaiian Tropic beauty contest si Alma noon in the 80’s bago niya pasukin ang showbiz. Kaya nga sa kalagitnaan ng kanyang mayabong na career, heto’t na-in love. Nabuntis at ang ama ng kanyang dinadalang bata ay ang negosyanteng si Dody Puno.

Ang alam ko, nagtago siya noon sa publiko dahil buntis siya sa Glendale, California kasama ang kanyang ina, kung saan in the late 80’s ay nakadalaw pa nga kami sa kanya noon sa Amerika.

It took Alma almost seven month bago niya inihayag ang problema niya sa ama ng kanyang binata, dahil sa kabisihan na rin sa kanyang trabaho as a registered interior designer who recently graduated sa University of the Philippines sa kursong kanyang dahan-dahang tinapos dahil sa kagustuhan niyang magka-diploma.

Siguro, punum-puno na si Alma kay Dody kaya isang umaga (Tuesday, February 17), bigla na lang tumambad sa wall ng kanyang Facebook account ang open letter na gusto niyang iparating sa ama ng kanyang anak ang kanyang hinaing bilang isa ina dahil sa pagpapabaya nito sa kanyang responsibilidad at suporta sa kanilang anak.

Narito ang kabuunan ng open letter sa Facebook account ni Alma para kay Mr. Dody Puno:

“I tried to talk to you but you closed all channels n refused to talk to me. You cut our sons allowance since july. You ignored my calls. Maybe going to fb before media should do it. Now it’s our time to ignore you. I won’t allow you to see my son. Ignoring us? Ok will give you a dose of your own medicine. For those who are wondering why I’m writing on fb, cuz my sons dad has been ignoring my calls and stopped supporting without explanation for 7 months now.

“Aside from not helping, he also doesn’t communicate. Maybe thru FB, this could reach him. Now it’s your turn to be ignored. buti ka pa you can resign being a father. To all his family n friends go ahead im allowing you to get mad at me as long as you tell Dody. And by the way, your madness is nothing compared to mine. Been keeping this for 7 months now. Go ahead share the anger with me.

“I would’ve hugged & consoled him as a brother had he spoken to me and admit bankruptcy. Yet he chose silence over communication? What kind of thinking is that?

“To those who wanna talk to me from Dody Puno’s side, make sure you talk to him before talking to me,” pagtatapos ni Alma sa kanyang parating sa ama ng kanyang anak.

Kung saan hahantong ang isyung ito, abangan na lang natin.

Dagdag pa ni Alma, “As a single mom, i will not only provide for my son but I WILL FIGHT FOR HIS RIGHTS!”

Sabi pa ng aktres sa kanyang mensahe sa ama ng kanyang anak: “If you’re having a hard time, just give kung ano lang ang kaya mo. Your son wll appreciate a token. A representation that is is loved. It’s not the amount Just make him feel you love him. That he is important, that he is a priority too.”

Ang kaso ni Alma ay hindi na bago sa showbiz. Maraming single moms sa showbiz na sa sarili nilang kayod ay binuhay at pinalaki ang mga anak nila na wala ang gabay at suporta ng kanilang ama.

We will stay in touch with Alma for updates.

Reyted K
By RK VillaCorta