Alma Concepcion, idinaan na sa kaso ang paghingi ng suporta sa ama ng anak

Alma Concepcion, idinaan na sa kaso ang paghingi ng suporta sa ama ng anak

Alma-Concepcion-Cobie-PunoKUMILOS NA rin si Dody Puno, ang ama ni Cobie Puno sa aktres na si Alma Concepcion. After months of calling Dody’s attention (since July 2014), heto’t nakikipag-communicate na rin sa wakas si Dody para makipag-areglo sa kanyang mga commitments at responsibilidad para sa kanilang anak.

Sa message ni Alma sa amin regarding sa update on her demands for support from Dody para kay Cobie: “The case is now with Atty. Harry Roque. Needed his help na. ‘Di pa rin nakikipag-usap. Dody wanted to settle it amongst our lawyers kasi, so ‘yun,” pagbabalita sa amin ng aktres na ngayon ay isang registered interior designer na after graduating from the University of the Philippines.

Last weekend, Alma and son Cobie had a short holiday sa Kuala Lumpur, Malaysia. They visited Batu Cave (a Hindu site outside of KL) and nag-cable ride pa sila sa Genting Highland. “A little bonding naming mag-ina. Malapit na kasi ang start ng school kaya itinuloy na namin ang bakasyon habang may konting time,” balita ni Alma sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta