Alma Concepcion at Glenda Garcia, kapwa napagtapos na ang mga anak sa Junior High School sa Ateneo

ADVERTISING

Alma Concepcion at Glenda Garcia, kapwa napagtapos na ang mga anak sa Junior High School sa Ateneo

Alma Concepcion with dad Jojo and son Kobe Puno
Alma Concepcion with dad Jojo and son Kobe Puno
Glenda Garcia with son Carlo Yap
Glenda Garcia with son Carlo Yap

Happy ang dalawa naming kaibigan na sina Glenda Garcia at Alma Concepcion dahil both who are single moms ay napagtapos nila sa Junior High School (Grade 10th sa Ateneo de Manila University High School) ang mga anak nila.

Kaninang umaga, nagkaroon ng Baccalaureate Mass para sa mga bagong graduate nila sa Junior High School ang Ateneo.

Batchmates ang anak ni Glenda Garcia na si Carlo Yap at ang anak ni Alma na si Kobe Puno.

“Nagkita kami kanina ni Glenda sa event,” private message sa amin ni Alma sa Facebook nang humingi kami ng update sa sisimulang showbiz career ng binata niya ngayong tag-araw.

ADVERTISING

“Mamaya ang graduation,” pagbabalita ni Alma Concepcion sa amin.

Si Kobe, contract artist ng Viva Entertainment at sa katunayan, simula bukas ay mag-a-undergo ng acting workshop ang bagets sa Viva office every Tuesdays and Thursdays.

Kobe who just turned 16 last March 16 ay ambition na maging lawyer or architect (na malamang makatutuwang ang kanyang ina sa karir na papasukin nito dahil isang registered interior designer si Alma).

Yes, invited ni Alam ang ama ni Kobe si si Dodie Puno who is based in the US, pero hindi ito nakarating. “Pero nag-usap silang mag-ama. I can’t go into details kasi may gag order na kami from the court,” pagbibigay impormasyon sa amin ni Alam.

Kung si Kobe ay gustong subukan ang showbiz ngayong summer, si Carlo naman mas athletic tulad ng ina who’s into biking, running, and lawn tennis. Maging ang swimming, isang sport na rin na nakahiligan ng binatilyo ni Glenda.

Kuwento ni Glenda sa PM niya sa amin, “Carlo wants to take up business administration, then MBA. Baka raw mag law rin daw siya.”

Sa mga ina ng mga newly grads na sina Carlo at Kobe, congratulations.

By the way, ang anak ni Gelli de Belen ay batchmate din ng dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING